Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM inendorso ng MPM bilang Pangulo sa 2022 election

0 157

Pormal nang inindorso ng Maunlad na Pilipinas Movement (MPM) si dating Senador Bongbong Marcos para sa pagka-Pangulo sa darating na halalan sa 2022 polls.

Ang resolusyon ukol sa pag-endorso kay Marcos sa darating na halalan ay pormal na ipinaabot sa kanya sa isang pagtitipon ng mga lider ng grupo sa zoom nitong Setyembre 18, 2021.

Lubos na nagpasalamat si Marcos sa buong suporta at tiwala ng MPM sa kanya at kasabay ng kanyang pagbati sa unang anibersaryo ng Kilusan.

Ang resolusyon ay inihain ng isa sa kanilang bise-presidente ng grupo na si Lylani Galvadores na sinang-ayunan naman ng lahat ng opisyal at coordinators sa pangunguna nina Ferdie Pasion at Marcial Laristan mula sa hanay ng PWD Sector.

Napagdesisyunan lamang ng MPM na suportahan si Marcos matapos nilang mapag-aralan ang kanyang kwalipikasyon at maging ang kanyang mahusay na track record at agenda para sa lipunan.

Sinabi ng tagapagtatag ng grupo at tagapangulo ng MPM na si Gary Dela Paz na maging karamihan sa kanilang volunteer coordinators ay hindi mga tradisyunal na pro-Marcos. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.