Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM, Sara amoy panalo na

0 65

Gaya ng mga survey kung saan sila ang naging front runner, umarangkada agad ang tambalan nina dating senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa partial/unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes ng gabi, Mayo 9.

Hanggang alas-9:02 kagabi, umabot na sa 22,410,199 ang boto para kay Marcos habang ang kanyang vice presidential bet na si Duterte ay nakakuha naman ng 22,113,108 boto.

Kasunod nila ang tambalan nina Vice President Leni Robredo na nasa 5,756,125 pa lang ang boto at vice presidential candidate Francis ‘Kiko’ Pangilinan na may 3,665,072 boto na.

Pangatlo sa bilangan sa pagka-pangulo si Senador Manny Pacquiao na may 957,851 boto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasunod naman ni Pangilinan si Senate Presidente Tito Sotto III sa botong nakuha nito na 3,300,628.

Pang-apat si Mayor Isko Moreno, 874,188. Kasunod naman ni Sotto si Doc Willie Ong na may botong 887,199.

Pang-lima sa presidential election si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nasa 407,652 pa lang ang boto. Pang-lima naman sa vice presidential election si Cong. Lito Atienza na nasa 82,035 ang boto.

Simula pa lang ng kampanya ay arangkada na sa mga survey ang Marcos Jr-Duterte tandem. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.