Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BBM, Xi palalakasin China-PH relasyon

0 108

Palalawakin umano ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. ang relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sinabi ni Marcos na nagka-usap sila ni Chinese President Xi Jinping sa telepono nitong Miyerkoles at bukod sa pagbati sa kanyang panalo sa presidential election ay napag-usapan na nila ang bilateral relations ng Pilipinas at China.

Ayon kay Marcos, tiniyak ni Xi na irerespeto at susuportahan nito ang independent foreign policy ng susunod na administrasyon.

“We talked about the way forward for the China-Philippine relationship. So, magandang maganda, very substantial,” sabi ni Marcos. “At sinabi ko sa kanya we must not allow what conflicts or difficulties we have now between our two countries to become historically important.”

Sinabi ni Marcos na kinilala rin ni Xi ang naging papel ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagbubukas ng diplomatic relations ng Pilipinas at China.

“Sinabi naman niya, I know the part that your family played in the opening of relationships. Kaya sinabi ko the relationship between China and the Philippines is very, very important (not just) as a matter of foreign relations but also, there is an added facet because the opening of diplomatic relationships with People’s Republic of China and the Philippines as started by my father should continue to grow,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon kay Marcos, mag-uusap pa silang muli ni Xi at ang nais ng huli ay “kaming dalawa ang mag-uusap, `wag na `yong iba.”

Inilahad din kahapon ng Chinese Embassy sa Facebook page nito ang naganap na pag-uusap sa telepono nina Marcos at Xi. (Billy Begas/Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.