Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BB,Mark,Jake tumamlay ang career sa pagladlad

0 1,085

ROMMEL PLACENTE: Isa lang si Rustom Padilla sa mga nag-out na aktor.

Ang pag-amin na bading siya ay ginawa niya sa PBB Celebrity Edition . After ng rebelasyon niya, nagpalit na rin siya ng screen name na BB Gandanghari.

Bilang si BB,may mga offer din na dumating sa kanya Pero manaka-naka lang ‘yun.Unlike noong siya pa si Rustom ay mas maraming proyekto siyang nagawa bilang leading man sa pelikula.

Pero sa pagladlad niya aminin natin na nalaos siya. Nasa America na siya ngayon bilang grab driver after mawalan ng career sa atin.

RODEL FERNANDO: Si Mark Baurista ay umamin din ng kanyang tunay na gender. Sinabi nga niya na bisexual siya at berde rin ang kanyang dugo. Pagkatapos kasi ng mga tsismis na hindi matigil-tigil na nauugnay ang pangalan niya sa kapwa male celebrity ay nag-out na rin siya. Ang rebelasyon ay sinulat niya sa kanyang libro na Beyond the Mark na na-release noong February 14, 2018.

Ini-reveal niya sa aklat na nagkaroon siya ng intimate bromance sa isang male personality. Mula noon ay nabawasan ang paghanga sa kanya lalo na ng mga kababaihan.

In fairness, dami rin nababaliw na girls sa kanya dahil sa kanyang kaguwapuhan at sex appeal. Aminado rin ang singer na nilayuan rin siya ng ilan niyang mga kaibigan.

Sa ngayon kahit pilitin man niyang pagandahin ang kanyang karera ay nahihirapan siya. Kung dati rati ay sunud-sunod ang kanyang mga recording, concert at tv show ngayon ay paunti-unti na lang. Sayang dahil isa pa naman siya sa mga magagaling nating singer at performer. Ewan ko ba sa atin kapag may mga personalidad na umaaming bakla o tomboy sila ay nilalayuan na. Sana tingnan na lang talent at suportahan na lang.

MILDRED A. BACUD: Nu’ng kasagsagan ng career nila Joed Serrano at Ricky Rivero sa That’s Entertainment, hindi pa lantad ang pagiging gays nila. Kaya naman nakakakuha pa ng magagandang role sa pelikula at telebisyon. Iba rin kasi ang showbiz sa Pilipinas, nag-iiba na ang tingin ng publiko kapag umaming bakla. Buti na lang naging direktor si Ricky at sikat na producer naman si Joed kaya may kinalagyan pa rin sila sa showbiz.

Kaya hindi natin ipagtataka mga ka-Cuatros kung may mga artistang ayaw umaming bakla dahil naniniwala sila na baka ‘yun na ang maging katapusan ng career nila.

Ilang artista at singer ang kakilala natin na pinagdududahan talaga ng publiko na bading kasi nga may mga edad na pero wala pa ring asawa.Asahan niyo isa -isa ring maglaladlad ang mga ‘yan sa tamang panahon. Mahirap kaya itago ang pagkatao.

Tulad nina Ricky at Joed na pinalaya ang mga sarili, ay masaya nilang ginagawa ang mga gusto nilang gawin ngayon.

ROLDAN CASTRO: Walang masama kung magladlad at ipagsigawan ang tunay na gender. Hindi mababayaran ng salapi ang pansariling kaligayahan.Wala akong nakikitang mali sa pag-out nina BB, Mark at maging si Jake Zyrus.

Totoo, mas indemand si Jake nu’ng Charice Pempengco pa siya. Mas marami siyang raket at sagana sa pera. Pero, hindi rin matutumbasan ang kalayaan niyang nadarama ngayon. Hindi siya nakatago sa dilim. Keri niyang ipagsigawan kung sino ang dyowa niya.

Ang importante walang tinatapakang tao, go lang kung ano ang trip.

Pero, naawa rin ako sa isang award winning child actor. Buong ningning niyang kuwento pinalitan siya sa isang action serye.

“Sabi ni ___ (bidang aktor) pabakla- bakla raw po ako pero lahat ng prod ako ang gusto nila.”

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.