Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BCDA-Dizon P8B SEA Games deal `niluto’

0 170

Bagamat dumaan sa Swiss challenge kung saan binuksan ang bidding para sa lahat, mas pinaboran umano ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang isang kompanya para sa pagpapatayo ng P8.5 billion sports facility na ginamit noong 2019 Southeast Asian (SEA) Games, ayon sa Commission on Audit(COA).

Base sa COA report, lumabas sa kanilang audit na sa Minutes of Board Meeting ng BCDA ay nababanggit na ang kompanyang MTD Capital Berhad para sa pagpapatayo ng mga sports facility sa New Clark City sa Tarlac.

Sinabi ng COA na ang ilang bidder ay may 30 araw lamang para pag-aralan ang proyekto subalit ang MTD ay alam na ang kabuuan ng proyekto bago pa man sila nabigyan ng Certification of Successful Negotiation noong November 10, 2017.

“While the project was subjected to the Swiss challenge, where other parties are invited to bid, competitiveness was compromised because MTD had more time to study BCDA’s proposed project,” ayon sa COA.

Ang kinalabasan umano ay nagkaroon ng unsolicited proposal sa halip na competitive bidding.

Ang proyektp umano ay isang Joint Venture Agreement (JVA) bagamat ang lahat ng kasunduan ay pasok sana sa even Build-Operate-Transfer Law, ang resulta ay lugi ang gobyerno.

Dahil sa JVA ang nangyari ay mas malaki ang ginastos ng pamahalaan. Ang inisyal na gastusin sa pagpapatayo ng gusali ay dapat sana nasa P4.185 bilyon subalit lumobo sa P8.510 bilyon nang maidagdag pa ang aquatic center, athletics stadium at athletes village.

Sa nasabing JVA ay nakapagbayad na ang BCDA ng P5.4 bilyon mula noong Disyembre 2019.

“Although, BCDA was given flexibility on the mode of disposition of government assets, it should not be exempted from laws governing public infrastructure projects especially when it involves expenditure of public funds,” ayon sa COA.

Depensa naman ng BCDA na alam nila ang modes of development sa infrastructure project sa ilalim ng batas subalit sa naging pag aaral ng Asian Development Bank (ADB) ay sinabi nitong mas makabubuti kung ang gagawin ay JVA.

“BCDA trusts in ADB’s advice that the said mode is not only legal, but is likewise the most advantageous arrangement for the government,” ayon sa BCDA.

Iginiit pa ng BCDA na ang pagpapatayo ng mga sports facility ay hindi solong ginawa nito bagkus ay aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Wala umanong “undue advantage” sa panig ng MTD dahil nagkaroon ng negosasyon at umiral ang Swiss Challenge o Competitive Challenge.

Pinamumunuan ni Vivencio `Vince’ Dizon ang BCDA bilang president at chief executive officer nito. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.