Abante Tonite Interactive

BCDA sinita sa bidding ng 7B proyekto

312

Hindi umano sinunod ng Ba-ses Conversion and Development Authority (BCDA) ang mga alituntunin ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act para sa infrastructure projects at ang kadikit nitong consultancy contracts na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Malaki ang papel ng BCDA sa Build, Build, Build na programa ng adminsitrasyong Duterte dahil isa rito ang New Clark City na BCDA ang punong abala.

Ayon sa Commission on Audit (COA), P100.5-milyon ang halaga ng consulting service para sa construction, management, at supervision ng Access Road mula SCTex papuntang New Clark City samantalang ang budget na nilaan para sa naturang Access Road ay nagkakahalagang P3.4 bilyon. Kasama din sa inaalalang proyekto ng CoA ang construction ng access road mula airport naman hanggang New Clark City na nagkakahalagang P3.9 bilyon.

Ayon sa CoA, hindi isinama ng BCDA sa pre-bid conference ang usapin ng contract terms and conditions, pati na ang warranty requirements at ang maa-ring maging dahilan ng failure ng bidding. Hindi rin isinama ng BCDA ang laman ng presentation sa prebid conference at hindi rin ito inilagay bilang annex sa minutes ng prebid conference.

Mahalaga ang warranty requirements s­apagkat dito ilalahad kung ano ang magiging habol ng pamahalaan sakalang pumalpak ang manalo sa bidding at hindi rin pinost ng BCDA sa website nito ang m­inutes ng naturang m­inutes ng prebid conference. (Eileen Mencias)