Abante Tonite Interactive

Bday wish ni Duterte kay Lucio Tan: Thousand years more!

1,689

Personal na binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si business tycoon Lucio Tan sa kanyang ika-83 ka­arawan kasabay ng roll-out ng Airbus A350 at A321 ng Philippine Airlines sa Villamor Airbase, Pasay city.

Sa kanyang maiksing talumpati, sinabi ng Pangulo na hangad nito na madagdagan pa ng libong taon si Tan na pinalakpakan ng mga bisita.

Pinuri ng Presidene si Tan dahil kahit sa edad na 83 ay patuloy pa rin ang tagumpay nito sa larangan ng pagnenegosyo.

“Sir, may God grant you a thousand years more of your life. Happy birthday, Mr Tan. You are 83 years old and still a success story on all fronts,” anang Pangulo.

Kasabay nito ay ipinaabot ng P­angulo ang pasasalamat kay Tan da­hil sa ipinadalang eroplano na sumundo sa mga mangaggawang Filipino sa Kuwait noong panahong may iringan ang Kuwait at Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na balang araw ay makakabawi rin ito sa tulong na ipinagkaloob ng PAL sa iniuwing overseas Filipino worker (OFW).

“Let me just express my profound gratitude to the two airlines that helped government during the Kuwait stressful moments – not a crisis.

“And I hope that somehow govern­ment can return the favor in the days to come. Salamat po sa lahat ng ginawa ninyo para sa ating mga kaba­bayan,” dagdag pa ng Pangulo.