Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea-Alden movie bigatin mga ‘ninong’

0 155

NI: ROLDAN CASTRO

Kumpirmadong magsasama ang tatlong higanteng movie outfit na Viva Films, APT Entertainment at GMA pictures sa pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Isang dream project ang magagawa dahil sa kanilang sanib-puwersa.

Ang pelikula ay hango sa Japanese TV drama titled Pure Soul. Ginawa ring movie ito ng South Korea noong 2004 na pinamagatang A Moment To Remember.

Sinabi rin ni Alden na hindi nila panonoorin ang Korean at Japanese version para magkaroon sila ng sariling atake sa kanilang role.Ibabase nila ang pagganap sa karakter na kanilang naiintindihan.

“It’s my first remake, and there’s always comparison. What we wanted as actors is to do our own take on how we understood the role. Ang ganda ng material, sobra. Kung babalik na ‘yung cinemas, it’s really for it. Mas dama mo ‘yung istorya,” sambit niya.

Lahad ni Bea ay magiging millennial at may Filipino touch ang gagawin nilang pelikula dahil 20 years ang nagdaan mula nang ipalabas ang Pure Soul.

“I’m excited na makakapag-trabaho na kami this time. We’re very happy na nag-inject sila ng Filipino culture doon sa script. We are working around the parameters of what Korea wants us to do, of course to also maintain and respect the original form of the movie. It’s going to be a little different from the original title but we will make sure that it’s going to be a good one. It’s going to be extra challenging and also very inspiring,” deklara ni Alonzo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.