Abante Tonite Interactive

Bea Alonzo at Gerald Anderson, ‘happy hearts’ sa Spain

92

DAHIL sa indefinite showbiz leave ni Lloydie, hindi na matutuloy ang pagsasama sana nila ng original loveteam niyang si Bea Alonzo sa isang TFC (The Filipino Channel) show sa Barcelona, Spain.

Si Lloydie sana ang kasama roon nina Bea, Piolo Pascual, Enchong Dee at Pooh.

Sa Sunday na sana ‘yon, pero dahil hindi na nga puwede si Lloydie, sino pa ba ang puwedeng ipalit sa kanya kundi ang pinakamalapit sa puso ni Bea? Walang iba kundi si Gerald Anderson, ‘noh?

So, kung sad man ang fans sa Barcelona ng original fans ng loveteam nina Lloydie at Bea, for sure, happy naman ang hearts nina Bea at Gerald, huh!