Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea aminadong malas sa lalaki

0 157

NI: ARCHIE LIAO

Nag-open up si Bea Alonzo sa bestfriend niyang si Enchong Dee tungkol sa kanyang personal na buhay kasama na ang lovelife.

Hirit niya, kung nakikita man siya ng tao na successful, may isang aspeto naman daw ng kanyang buhay na lagi siyang luhaan.

Ito raw ay sa aspeto ng kanyang lovelife o pakikipagrelasyon.

“It is one department that I keep on failing,” himutok niya.

Nalulungkot naman si Enchong dahil hindi raw niya nadamayan ang kaibigan noong panahong may pinagdadaanan ito sa ex nitong si Gerald Anderson.

Hirit naman ng Bea, walang dapat ika-guilty si Enchong dahil kahit daw ang mom niya ay wala sa tabi niya noong may krisis na pinagdadaanan ang kanyang puso.

May pagkakataon din daw na sinubok ang kanyang pananampalataya dahil sa heartbreak na naranasan sa pakikipagrelasyon.

Kasi binigyan niya ako ng tough love,” aniya.

“Actually, in a way, it helped me figure out who I am, and what I’m capable of. How tough I am, how much of a survivor I am,”pahabol niya.

Pagkatapos daw ng kanyang heartbreak sa huling relasyon, okey na raw siya ngayon at feeling niya ay mas tumatag pa siya bilang tao.

Gayunpaman, kahit ilang beses nang nasawi at sanay nang masaktan, ayaw daw naman niyang isarado ang kanyang puso kung iibig siyang muli.

“I still want to keep a little softness in me kasi that’s who I am,” pagtatapos niya. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.