Abante Tonite Interactive

Bea-Angelica wasak sa lalaki

230

Kapwa sawi sa pag-ibig ang mga aktres na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo. Dahil dito ay mas lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Angelica, natupad ng Diyos ang pangarap nila na makatrabaho ang isa’t isa. Dahil sa wakas ay magsasama sila sa iisang pelikula.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Angelica ang mensahe niya para sa kaibigan. Aniya, “Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay. Walang makakasira satin. I love you mami bei @beaalonzo.”

Nang maghiwalay si Bea Alonzo at ang aktor na si Gerald Anderson, isa si Angelica sa mga kaibigan sa industriya na nagbigay ng suporta sa kanya.

Kung mayroon man kasing tao na makaka-relate sa pinagdaanan ni Bea, ‘yun ay si Angelica na madalas nagiging bigo sa pag-ibig.

Kung ‘ghosting’ ang naging eksena kay Bea, mukhang ‘friendzone’ naman ang nangyari kay Angelica at sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino. Inamin ng aktres na umasa siya kay Carlo ngunit sa huli ay one sided love lang pala ang samahan nila. (Rona Ronda)