Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ayaw ikumpara kay Ivana

0 70

NI: ARCHIE LIAO

Si Bea Alonzo ang napiling calendar girl ng Tanduay para sa taong 2022.

Aniya, noon pa man daw ay pinangarap na niyang maging calendar girl ng nasabing brand ng alak.

“I’m very happy that I was chosen as their calendar girl for 2022. It’s actually a realization of one of my dreams. Akala ko nga, at 34, hanggang pangarap na lang siya. I’m thankful na pinagkatiwalaan nila ako ng brand.”

Aniya, naging mabusisisi rin daw ang naging paghahanda niya sa shoot niya bilang calendar girl.

Katunayan, kinarir talaga niya na maging physically fit siya at kahali-halina.

“Pinaghirapan ko talaga ito. Nag-work out ako almost everyday. It has become a part of my lifestyle since mag-pandemic and it felt good. I managed to lose 15 lbs. in preparation for my endorsements. Good thing na I have a home gym and I can do it in my own pace with the supervision of my fitness trainor,”pahayag niya.

Sa pagiging bagong calendar girl, hindi maiiwasang maikumpara siya sa predecessor niyang si Ivana Alawi.

“I have high respect for Ivana. As I have said, iyong sexiness naman is a relative word . What might be sexy for you, may not be sexy for me.”

Bilang bagong pantasya ng mga kalalakihan, naniniwala naman si Bea na ‘sexy’ siya in her own right.

“For me, sexiness is total package. It’s not all about the physical attributes. It’s also about character and confidence. It’s also being comfortable with your own body.

Sexy for me is also someone who is beaming with self-confidence. Iyong hindi takot na take the challenges she faces,”paliwanag niya.

Naniniwala rin si Bea na sa kanyang pagtatrabaho araw-araw, deserved niya minsan ang mag-chillax.

“I drink once in a while. There were times na nagwalwal din ako sa parties which is part of growing up, but I believe in drinking responsibly. After a hard day’s work, feeling ko, I owe to myself na minsan ay need ko na mag-unwind at mag-relax … and for me Tanduay is a good companion to chillax,” pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.