Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ayaw tantanan ang ex

0 100

Ayaw lubayan ng mga Marites ang Kapuso actress na si Bea Alonzo dahil sa naging pahayag niya sa interview sa kanya ni Barbie Forteza sa vlog nito.

Nang matanong kasi si Bea kung willing ba siyang makatrabaho ang mga ex niya, sey niya, wala raw namang problema kung maka-work niyang muli ang dating boyfriend na si Zanjoe Marudo dahil hanggang ngayon daw ay friends pa sila.

Hirit pa niya, wala rin daw betrayal na involved sa kanilang hiwalayan kaya hindi raw naman maituturing itong “ugly breakup.”

Pero, iba raw naman ang kaso pagdating sa iba niyang ex.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit wala namang pinangalanan ay natumbok agad ng mga netizen kung sino ang ex na ayaw niyang makatrabaho. Ito’y walang iba kundi ang nang-ghost sa kanya na si Gerald Anderson.

Obserbasyon tuloy ng kibitzers, hanggang ngayon daw ay may galit pa ang aktres kay Gerald. Kahit pa sinabi na nito noon sa kanyang vlog na naka-move on na siya sa taong nang-ghost sa kanya.

Otherwise, hindi na raw dapat na paulit-ulit na binabanggit niya ang tungkol dito kapag natatanong siya, lalo pa’t nananahimik na naman si Gerald sa piling ng bago nitong girlfriend.

Puwede rin daw naman siyang mag-pass sa kanyang sagot o ipakiusap sa interviewer na huwag nang pag-usapan pa ang hinggil dito kung gusto nito ng kapayapaan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.