Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea bagong pantasya na calendar girl

0 56

Ang 2021 ay taon ng pagbabago para sa magaling na actress na si Bea Alonzo.

Ito ang taon kung saan masasabing bumongga ang kanyang karera kahit na sa panahon ng pandemya.

Noong Hulyo, naging malaking sugal sa kanya ang maging Kapuso pagkatapos na manatili sa kanyang dating network sa loob ng humigit-kumulang na dalawang dekada.

Sa taon ding ito,namayagpag siya bilang isang matagumpay na vlogger, endorser at actress.

Nakita rin natin na sa pagyakap niya sa mga pagbabago sa kanyang buhay, kasama na sa aspeto ng lovelife, ang mas “confident” at mas matapang na Bea na hindi natatakot sa mga bagong hamon ng buhay.

Ang mga katangiang ito ang naisip ng Tanduay kung bakit swak siyang para maging calendar girl for 2022 ng kanilang produkto.

“She is the Tanduay Calendar Girl we need during these uncertain times. Someone who will remind us that change can be a good thing, but you have to be strong as you breeze through these changes. No stress, just be calm and collected, so you can emerge beautifully out of every situation you are in,” ayon kay Marc Ngo, Senior Brand Manager and International Business Development Manager.“She’s going through a transition in her career, a blossoming stage, if you may call it. She values her craft and her authenticity shines through,” dugtong niya.

Unique din ang temang “La Dolce Vita” ng shoot ni Bea bilang calendar Girl.

Binigyan din siya ng kalayaang makipag-collaborate sa creative team during the shoot.

“I was really nervous at first because it was my first time to do a sexy photo shoot (Kinakabahan ako at first kasi first time ko gagawa ng sexy photo shoot),”ani Bea.

Natutuwa naman si Ngo dahil nagkatotoo ang kanilang vision kay Bea.

“It was done tastefully with Bea exuding her natural, subtle sexiness into the whole composition. The setting is the countryside, which complemented the calming effect when one looks at Bea,” aniya.

Excited naman si Bea na mapasama sa elite circle ng kababaihan na naging Calendar Girl ng nasabing produkto. Kaliga na niya sina Heart Evangelista, KC Concepcion, Ellen Adarna, Barbie Imperial, at Ivana Alawi

“Each of them are not only beautiful, but have many admirable attributes as well. They’re strong, independent, and talented,” ayon kay Bea.

Si Bea ay kaliga na nina Heart Evangelista, KC Concepcion, Ellen Adarna, Barbie Imperial, at Ivana Alawi na pawang mga Tanduay calendar girls.

Para kay Bea, isang malaking karangalan ang mai-represent ang brand na kanyang pinagkakatiwalaan.

“Hindi ako makapaniwala! Tanduay kasi is an iconic brand na kilala sa buong mundo at napakadaming natanggap na international awards. Napakalaking karangalan para sa akin na maging Tanduay calendar girl. (I couldn’t believe it! Tanduay is an iconic brand that is known all over the world and has received so many international awards. To be the Tanduay calendar girl is a huge honor),” pahayag niya.

Si Bea ay tinanghal ng “Leading Lady of the Century” ng Film Development Council of the Philippines noong 2019.

Isa ring siyang multi award-winning actress sa pelikula at telebisyon at naging recipient ng Box Office Queen at Phenomenal Box Office Star awards.

Sa susunod na taon, inaasahang maging abala ang aktres sa kanyang pelikula with Kapuso actor Alden Richards.

May naka-line up din siyang teleserye sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.