Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea balik-Pinas na

0 147

Matapos ang ilang linggong bakasyon sa USA, balik-Pinas na ang magdyowang Bea Alonzo at Dominic Roque base na rin sa kani-kanilang latest Instagram post.

Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Bea ng short clip ng isang sasakyang nagbibiyahe sa ulan at sa caption, aniya, “I’m back.”

Halos kasabay nito ang post ni Dominic na nasa sasakyan din at umuulan. Caption naman niya, “back in MNL.”

Bago ito ay nag-hint na rin si Bea na pauwi na siya ng Pinas at malapit na siyang magbalik-trabaho.

Sa kanyang IG post last Aug. 1, aniya ay patapos na ang kanyang trip at pinaplano na raw niya ang next trip though matatagalan pa raw dahil magtatrabaho muna siya.

“So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream😍 I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping, maybe this is kind of an introduction, and I know I’ll be doing this a lot in the future. ❤️ It’s just nice to be close to nature and be able to experience its wonders. ❤️

“My trip is coming to an end, and I have mixed feelings about it; I miss Manila, but I’ll also miss being on the road exploring beautiful places. I’m already planning my next trip as I’m typing this, 🤣 pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna,” pagbabahagi ni Bea.

Actually, hindi lang kina Bea at Dominic memorable ang trip kungdi maging sa mga fan nila dahil dito sila tumodo sa pagiging open sa kanilang relasyon.

Ilang beses silang nagpakilig sa kanilang mga fan dahil sa kanilang mga sweet photos sa mga series of events tulad ng birthday ni Dominic, baby shower ni Beth Tamayo, camp adventure sa AutoCamp, Yosemite at ang kanilang trip sa San Francisco MoMA Museum.

Matatandaang lumipad si Bea patungong US last July 9 para magbakasyon bago siya sumabak sa trabaho bilang bagong Kapuso talent. Pero mukhang made-delay ang pagbabalik sa work ng aktres dahil nga timing naman na sasailalim na naman ang Metro Manila sa ECQ simula sa Aug. 6.

Myrtle niloko ng lalaki

Nakaka-relate si Myrtle Sarossa sa tema at kwento ng bago niyang serye sa GMA-7 na Nagbabagang Luha dahil nabiktima na rin pala siya ng panloloko ng dyowa.

“Ako kasi personally, hindi man inamin sa akin ng loved one ko prior to the past, pero I’ve heard people na parang, I’ve heard it from someone else na sinabi sa akin,” sabi ni Myrtle sa virtual presscon.

Masakit daw sa kanya ang ginawa ng ex-boyfriend dahil totoo raw na minahal niya ito at pinagkatiwalaan.

“Doon mo mararanasan na when someone cheats on you, sobrang sakit niya. When we got this project, tapos yung character kong si Judy may ganoong experience, dun ko talaga na-realize na, ang hirap-hirap magbigay ng tiwala tapos ang dali lang siyang wasakin minsan,” sey niya.

Anyway, thankful ang Kapuso actress na nakasama siya sa cast ng Nagbabagang Luha at ang ganda pa raw ng kanyang role bukod pa nga sa magagaling na artista ang kasama niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.