Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea bet nang magka-baby

0 162

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naintriga sa ipinost ni Bea Alonzo

na picture ng isang baby kamakailan sa kanyang IG account.

May caption itong:‘You brought sunshine into our lives.”

Ang black and white na photo na ito ay larawan ng kanyang pamangking si Santi na anak ng kanyang nakababatang kapatid na si James.

Siya kasi ngayon ang apple of the eye ng actress.

Noon pa man kasing nagbubuntis ang sister-in-law niyang si Thalia , excited na si Bea kaya mega throw siya ng shower party para rito.

Sey ng netizens, sobrang fond daw si Bea kay Santi as if siya na ang nagluwal dito.

Damang-dama nila na sa edad nito ay gusto na rin nitong magka-baby.

Hirit pa nila, sana raw ay makatagpo na ang aktres ng lalakeng tunay na magmamahal sa kanya.

Pang-iintriga naman ng ilan, sana raw ay ligawan siya ng Pasig City Mayor Vico Sotto dahil bagay sila.

Kung sakali raw magkakatuluyan sila, sigurado raw na maganda ang magiging lahi ng kanilang anak na maaaring mas higit pa kay Baby Santi.

Papasa nga raw itong First Lady ni Vico at kayang talbugan si Gretchen Ho.

Minsan nang naging hot item sina Bea at Vico nang mag-donate ang una sa Pasig through her Hope Foundation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.