Abante Tonite Interactive

Bea bigay ng Diyos kay Andrea

"Mga windang moments ko ‘yon sa life, na mahirap talaga, pero kung kailangan kong pagdaanan ‘yon ulit ngayon, okey lang. Kahit sampung beses pa, gagawin ko ulit para sa anak ko."

By
261

Siyempre, ang anak niyang si Bea (na 8 taon na ngayon) ang isa sa pinakamalaking­ himala, at nagpapasaya talaga­ kay Andrea.

Mahabang kuwento at sobrang hirap nang pinagdaanan nilang mag-ina, dahil si Bea nga ay nagdaan sa sakit nung baby pa ito.

“Mga windang moments ko ‘yon sa life, na mahirap talaga,­ pero kung kailangan kong pagdaanan ‘yon ulit ngayon,­ okey lang. Kahit sampung beses pa, gagawin ko ulit para sa anak ko.

“But she’s okey na nga­yon. Medyo hindi lang siya tulad ng ibang normal kid. Pero, okey siya ngayon. Bigay talaga siya ng Diyos sa akin.

“Para pagdaaanan ko ‘yon at malampasan, mala­king bagay talaga, at inspirational. Sa ngayon, sobrang challenging na sa akin para magka-baby pa ulit. Pero kung kailangang mag-In Vitro, why not? Para magka-baby lang ulit.