Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea binarubal si Dominic

0 199

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang kinilig sa bagong entry ni Bea Alonzo sa kanyang vlog na “Not My Hands Challenge”. Tampok dito ang kanyang boyfie na si Dominic Roque.

Sa naturang episode, natanong ng aktres ang nobyo tungkol sa karanasan nito sa pagluluto.

Ayon kay Dominic, mahilig lang daw siyang umalalay sa mother niya sa kusina kaya natuto siyang mag-cook.

In fairness daw kay Dom, masarap daw magluto ng pancit canton ito, ani Bea.

Sey pa niya, ito rin daw ang nagturo sa kanya ng pagluluto ng perfect soft-boiled eggs.

Nag-jack en poy pa ang dalawa kung sino ang mauunang sasalang sa challenge.

Sa naturang challenge, magluluto ang bawat isa na ang kamay ng kanilang partner ang ginagamit habang nakayakap sa isa’t-isa.

Unang sumalang si Dom sa pagluluto ng French toast at omelette kung saan habang si Bea ang nagsasalita ay ang mga kamay naman niya ang gumagalaw,naghahagilap ng ingredients at nagsasagawa ng cooking.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sobrang maingat naman si Dom na hindi mapunta ang kanyang mga kamay sa maselang parte ng katawan ng girlfriend.

Effort din sa kanya na sa pagluluto ay paganahin niya ang kanyang imahinasyon dahil bawal ang tumingin sa kanyang hinihipo.

Nag-apologize naman si Bea kay Dom nang muntik nang mapaso sa fan ang kanyang nobyo.

Nagawa naman ni Dom ang hamon sa kanya.

Nang turn na ni Bea para magluto, nauwi sa barubalan ang pagbasag niya ng mga itlog.

Pati ang lagkit ng natapong ingredients ay ipinahid niya sa apron ni Dominic.

Pati ang confectioner’s sugar ay ipinahid niya sa pisngi ng boyfriend.

May mega subo moment pa ng bread si Bea kay Dom habang nagluluto ito.

Nang matapos ang lahat, inamin naman ni Bea na mas pulido ang gawang French toast at omelette ni Dominic kumpara sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.