Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea binuking ang paandar ni Dominic

0 320

Sa isang panayam, sinabi ni Bea Alonzo kung bakit niya love ang kanyang nobyong si Dominic Roque.

Nagbigay ito ng ilang mga katangian ng aktor na wala sa kanyang naging ex.

Aniya, sobra raw maalalahanin si Dom.

“He really takes care of me, hindi nga ako sanay, e,” ani Bea. “Sobrang inaalagaan niya ako because it’s really his love language, service.,”dugtong niya.

May sariling kusa rin daw ito at malakas ang “empathy” pagdating sa kanyang mga pangangailangan.

“So talagang ‘pag kumakain kami talagang pinagsisilbihan ka and then the things na hindi ko iniisip na kailangan ko, biglang oorderin niya online para lang mas mapagaan ang buhay ko – all those things,” kuwento niya.

Naa-appreciate rin daw niya ang pagiging honest nito sa kanya.

“Kasi matagal na kaming magkaibigan before nag-turn into something romantic. As in years, years pa magkaibigan na talaga kami and alam ko na talagang mabuting tao siya… I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He’s just really honest, which I appreciate very much,” esplika niya.

Dagdag na puntos din daw sa kanya ang pagiging mapagmahal ni Dominic sa kanyang pamilya.

“Makikita mo kasi, ‘di ba sabi nga nila dun mo makikita ang pagkatao ng isang lalaki, the way he treats his mom, dad, his siblings, and even his relatives. He’s very loving and alam ko na that’s the authentic him,” pagtatapos niya.

Sarah iniintrigang buntis na

Pagkatapos mag-viral ang bagong hairdo ni Sarah Geronimo, hindi na tinigilan ng mga ispekulasyon mula sa mga netizen ang Popstar Royalty.

SM food to go Banner Ad

May mga nang-iintrigang nasa interesting stage na raw ang singer-actress.

Muli na namang naungkat ang umano’y pagbubuntis ni Sarah sa recent Instagram post ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

Ibinahagi ng aktor ang kanyang planong bumili ng bagong family SUV.

“I’m thinking of getting a new family SUV,” caption ni Matteo

Dahil may latest addition na raw sa family, kaya bet daw nitong bumili ng kotseng pampamilya.

Depensa naman ng iba, huwag daw bigyan ng malisya ng mga katkatera ang nasabing post.

Malamang daw ay may nakatakda lang na i-endorse si Matteo na brand ng kotse.

Ito naman ang ilang komento ng mga netizen sa naturang post.

“Omgee! Preggy na si Sarah G??”

“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba?”

“Growing family?” “I think your family is growing”

“Don’t forget to have a baby car seat too, “

Leave A Reply

Your email address will not be published.