Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea bokya sa sex

0 189

NI: VINIA VIVAR

“Paano?” Ito ang natatawang sagot ni Bea Alonzo nang mapag-usapan nila ang sex life sa online tsikahan with Cathy Garcia-Molina sa YouTube vlog ng direktor na Nickl Entertaimment. May titulo ang vlog na “Pahabowl” kung saan ay ang cast ng pelikulang Second Chance ang katsikahan niya kabilang na si Bea, Dimples Romana, Janus del Prado, Ahron Villena and Beatriz Saw.

Marami silang napagtsikahan na sa bandang huli, pati ang sex life ay naitanong sa kanila.

Naunang sumagot ang dalawang lalaki na itinuro ang kanilang mga kamay sabay-tawanan.

Sagot naman ni direk Cathy, medyo happy lang daw ang kanyang sex life dahil busy raw siya. Huling naaalala raw niya ay last year pa pero binawi naman niya at sey niya joke lang daw.

Kaaliw naman ang sagot ni Dimples. Aniya, in fairness naman daw sa asawa niya, at hindi na niya itinuloy ang karugtong.

“Direk, ‘yung asawa ko, in all fairness. . .hanggang doon na lang ang pwede kong sabihin,” aniya na obviously, ang ibig sabihin ay happy siya sa sex life niya.

Dagdag pa ni Dimples, sobrang jive raw sila ng hubby niya pagdating sa ganu’ng bagay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“He really makes sure that I feel like a natural woman,” sey pa ng aktres.

Napasigaw si Bea sa sagot ni Dimples at aniya, “I’m happy for you.”

Si Beatriz naman, sey niya ay ok daw at masaya ang kanyang sex life.”

Komento ulit ni Bea, “happy for you, mars.”

Kantyaw ni Dimples kay Bea, “oy, ikaw Alonzo, sumagot ka diyan.”

Sagot naman ni Bea, “Paano?”

Pang-aasar ni direk Cathy, “oo nga, eh, si Bea, ‘yun na lang ang nasasabi, ‘happy for you.’

Hahaha! Kaaliw!

Anyway, wala pang ipinakikilang boyfriend ulit si Bea sa publiko after Gerald Anderson kaya it’s safe to say na wala siyang sex life ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.