Abante Tonite Interactive

Bea, Claudine nag-isnaban?

899

Nabigyan agad ng kuwento ang video na lumabas taken at Sine Sandaan event. Makikitang magkatabi sa stage sina Claudine Barretto at Bea Alonzo pero ang kinakausap ng huli ay sina Anne Curtis and Angel Locsin na nasa tabi rin niya.

Nag-viral ang video at naging kontrobersyal agad dahil nag-speculate ang mga netizens na nag-isnaban daw sina Claudine and Bea.

May mga komento ring hindi naman daw pala totoong ang support ni Claudine ay na kay Bea at marahil daw ay na-realize nito na “blood is thicker than water.”

Matatandaang during the height of the Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto controversy ay nagpahayag ng suporta si Claudine kay Bea at hindi sa pamangkin niya.

But it turned out na hindi naman totoong nag-isnaban sina Claudine and Bea dahil may lumabas ding isa pang video kung saan ay makikitang nagyakapan at nagbesohan ang dalawa.

Arthur-Rida ikinumpara kina Richard-Lucy

Naikukumpara ang power couple ng San Jose del Monte, Bulacan na sina Mayor Arthur and Representative Rida Robes sa mag-asawa ring Mayor Richard Gomez and Representative Lucy Torres ng Ormoc City dahil for one, parehong-pareho sila ng posisyon at pareho rin silang tandem sa pagpapaunlad ng kani-kanilang lugar na nasasakupan.

At para naman ding pinagtiyap ng pagkakataon, magkumare’t magkumpare pala silang apat.

“Ninang ng anak ko ‘yun (si Lucy), ‘yung bunso,” sambit ni CongW. Rida.

“Si Goma is really our first partner,” dagdag pa niya. “Kaibigan talaga namin.”

Madalas daw pumasyal si Goma sa kanilang lugar dati.

“Parang dito na nakatira ‘yun,” sey pa ni CongW.

At kahit hindi raw sila nagkikita lately dahil parehong busy, wala raw nagbabago sa kanilang friendship.

Nakausap namin ang power couple sa opening ng Tanglawan Gallery sa SM Tungko in SJDM, Bulacan recently. Ang naturang event ay isa sa mga proyektong ini-launch nila for Tanglawan Festival 2019 (Aug. 31-Sept. 10).

Sa pagbubukas ng museum gallery ay hindi naiwasang maging emosyonal ni CongW dahil finally ay naa-acknowledge na ang kanilang siyudad bilang isa sa mga developed cities and in fact, ang tawag nga ng SJDM ngayon ay “the rising city”.

Naiiyak na sabi ni CongW. Rida, hindi raw biro talaga ang hirap nilang mag-asawa para marating ang kinalalagyan ng siyudad ngayon na dati ay isang ordinaryong probinsya lang.

“Ako ang nag-isip lahat nito, eh, Tanglawan, the rising city, I did all the branding without pay, no pay at all. Ako lahat ‘to. Ito lang, ‘yung pagmamahal ko lang siguro na gusto kong maging maayos ang San Jose at makilala ang San Joseño na magaling, masigla, may takot sa Diyos.

“Ang laki ng hirap ko, ‘no! Kung dadalhin mo ‘ko sa agency, they’ll gonna pay me sobrang hundreds of thousands pero this is for free, because mahal ko ang San Jose.

“Walang kaplastikan ‘yun, talagang I made these things possible. Pero alam ko, hindi ito mangyayari kung wala sila lahat,” she said.

Dahil dating artista si CongW, natanong siya kung wala na ba siya talagang balak mag-balik showbiz at aniya ay wala na raw talaga.

“Matanda na lola mo, ayoko nang masigawan,” natatawa niyang sabi.