Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ‘di kailangan ng asawa

0 134

Sa dinner date ni Bea Alonzo sa favorite leading man niyang si Ian Veneracion, sinabi ng aktor na best decision ng kanyang buhay ang magpakasal at magkaroon ng pamilya.

Aniya, sobrang nai-enjoy raw niya ang role ng pagiging ama sa kanyang mga anak.

Dahil close kay Ian, naitanong naman ni Bea kay Ian kung dapat ba siyang mag-asawa.

Sa pagkakakilala naman ng aktor kay Bea, nagbigay ito ng honest opinion sa aktres.

Feeling niya, hindi kailangan ni Bea ang mag-asawa.

Sey niya, dapat magkaanak na lamang ito at kahit huwag na munang magpakasal.

Inihambing pa niya na kung ang goal nito ay magka-baby, magpokus na lang ito sa bacon at huwag nang bitbitin ang buong baboy.

Pinaalala rin ni Ian ang kanilang naging usapan noon na kapag umabot siya ng 33 ang aktres at wala pa rin itong anak ay manghihingi sila ng donation mula sa mga lalaking gusto niya ang genes at bubunot siya kung sino pipiliin para maging ama ng kanyang magiging anak.

Kabilang sa magiging donors ng semilya kung sakali sina Papa P at Ian.

Hirit naman ni Bea, siya iyong tipong marrying type dahil gusto nito ng life partner na makakatuwang niya sa kanyang pagtanda .

@@@

Ian aminadong seloso

Aminado si Ian Veneracion na siya iyong tipo ng asawang seloso.

Aniya, para sa kanya, normal lang daw naman ang magselos sa isang karelasyon.

Kabaligtaran kay Ian, sinabi naman ni Bea na hindi umano siya selosa.

Hirit naman ni Ian, pag daw kasi may selos factor sa isang relasyon, siya iyong tipong kinikilig.

Opinyon niya, kapag daw kasi hindi nagseselos ang babae o lalake, para kasing walang “care” ito sa kanyang partner.

Call it old school, naniniwala rin si Ian sa courtship before marriage.

Nababaduyan daw kasi siya iyong kung saan-saan na lamang magkikita ang prospective na magdyowa.

Mas feel pa rin niya iyong nanliligaw ang lalake . Mas effect pa rin ‘yung nagbibigay ng respeto sa mga magulang o kapatid ng kanyang nililigawan.

Tinuturing ni Ian na best decision ng buhay niya na nagpakasal siya nang maaga dahil pinakapaborito niyang role ang maging isang ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.