Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ‘di kawalan ang serye kay Richard

0 212

Kawalan ba para sa this generation’s movie queen Bea Alonzo kung kanselado na ang “Kahit Minsan Lang”?
Hindi. At iyan ang totoo.

Hindi ito ang tamang panahon para kay Alonzo na mapanood muli sa isang drama serye kahit pa nga sangrekwang hommes ang kasama nia rito, may Richard Gutierrez, Rafael Rossel at Christian Bables pa, di ba Her eyes and artistry must go beyond na the confines of the boob tube. Ito ang na ang tamang pagkakataon para mas pumili ng magagandang scripts na pampelikula para naman mas bumonnga pa ang kanyang body of work.

Dapat na mapanood naman natin kung ano pa ba ang kanyang pwedeng ibigay sa ating lahat bilang aktres. Ang dami niya pang katauhang hindi binibgyang buhay. Ang dami pang kwento, na pwedeng siya pa nga sumulat dahil one of the better students si Bea sa palihan ni Ricky Lee para sa scriptwriting.

After Mihail Red, dapat makatrabaho rin ni Alonzo ang iba pang relatively young film drirectors like Jerrold Tarog, Khavn dela Cruz, Law Fajardo at iba pa para ma-challenge siya lalo dahil ibang experience to work with this young bloods.

Dapat din, ambisyunin na makatrabaho ang seasoned directors tulad nina Carlos Siguion Reyna, Chito Rono, Jose Javier Reyes , Louie Ignacio at Joel Lamangan.

Very clinical nga ang paliwang ng Star Creatives kung bakit hindi itinuloy ang drama. It bored me to tears, sa true lang. Sa mga interasado sa dahilan, pakisaliksik na lang po sa paborito niyong search engine.

Alam niyo, mas palong-palo sana kung kaya hindi tuloy ang show eh dahil nagmaganda si Bea. Yung ang eme, mas mas pinili niyang magliwaliw sa kung saang bahagi ng mundo at ang kasama niya to have quality time with, ang lalaking diumano ay ka-close niya, si Dominic Roque.

Mas panalo na the show was halted dahil mas priority ni Bea ang romansa. Na she is so ready to take her chance again. She so deserves it naman talaga, right?

Aminin man ni Alonzo o hindi, sure ma sure naaware siya na her biological clock ticks to death na at pwedeng a baby boom stage in her rainbow colored life ang gusto niyang magka-mastery.

Thirty something na si Bb. Alonzo kaya tiyak, ang maternal bug, sagpang na sagpang na aktres. Ang here comes the bride, all dress in white eh siguradong gusto na niya ring maging realidad at hindi pulos movie weddings na lamang.

Kaya ngayong kanselado na ang kanyang show, ang pag-amin nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kaabang-abang na ganap?Why not, Choc Nut, huh! (ALWIN IGNACIO)

Leave A Reply

Your email address will not be published.