Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea ‘di kaya ng Kapuso sa TF?

0 24

Totoo nga kayang masyadong malaki ang talent fee na inihatag ni this generations movie queen Bea Alonzo sa Kapuso Network kaya diumano, ninerbiyos ang bigwigs nito?

At dahil nga super exorbitant ang fees ni Alonzo, hindi nga ba ito kakagatin ng mga taga-Kamuning station kaya, don’t call us, we will call you na lamang si Alonzo?

Well, kung totoo nga ang mga ito, kung nakakalula nga talaga ang presyong inilagay ni Bea para sa premium at stellar, not to mention the great acting at solid followers na meon siya, she is indeed worth every peso and the so many zeroes that she allegedlu stipulated.

Sa true lang si Jennylyn Mercado na lang talaga ang last biggest female star standing sa Kapuso talents at having Bea in their fold, solidifies their stature as being the number one network in the Republic of ours.

Total package ang aktres, hindi debatable ang husay at galing, at alam mong maraming humahanga at sumusuporta.

Ang panalo kasi kay Alonzo, she does only give her best, she gives her all sa mga katauhang binibigyang buhay niya, hindi lamang sa telebisyon, kundi sa pelikula.

Sa true lang, grabe ang mga balita tungkol sa exodus ng Kapamilya talents sa GMA-7. Maliban kay Alonzo, may chika pang si Piolo Pascual ay magiging Kapuso na rin.

Sa true lang tayo, pardon me Ms. Anna Dizon pero Bea Alonzo is Bea Alonzo. May strong body of work, may loyal supporters at may brands na siya ang major endorser kaya worthy at profitable investment ang mahusay at magandang aktres.

Claudine namamaga ang mukha

Hindi! Bago magbungingisan kung ang magang-maga dati kay Claudine Barretto, heto muna ang kuwento.

May unflattering photos ang minsan sa buhay niya ay tinawag na Optimum Star na ipinadala sa personal message box. At out concern ang dahilan kaya ipinarating ang mga larawan sa inyong lingkod na galing sa isang katotong Claudinian.

SM food to go Banner Ad

Ano nga ba ang nangyari sa babaing minsan ay minahal ni Mark Anthony Fernandez, iyun ay kung hindi edited at hindi pinaglaruan ang kanyang mga kuha.

Magang-maga kasi ang mga mukha ni La Barretto. Bilugan na bilugan ang pisngi. Parang hndi siya ready for her close up at hindi pa nag-session sa kanyang beauty aesthetician kasi hindi siya pretty.

Naway photo shopped lang ang mga larawan dahil nakakalungkot na kung totoo ang mga ito. She is not maturing gracefully at ang ravages of time, has taken its toll on her once close up ready face.

Sa true lang tayo, kung bakit sila pinagsama muli ni Ginoong Fernandez sa pelikula, ay hindi lamang malaking misteryo, kundi tunay na palaisipan. Naway suportahan at yakapin ang kanilang balik-tambalan dahil hindi na naman sila relatively young. Exciting at intriguing nawa ang kanilang pelikula para naman worth the time and while of all na magiging mausisa sa kanilang pagsasama.

Siguradong maraming blast from the past na kuwento si Claudine Barretto tungkol sa naging relasyon nila ni Mark Anthony Fernandez. Hanggang saan nga kaya ang pwede niyang ibahagi at kayang isambulat sa young love, sweet love nila dati na diumano ay walang “closure.”

Kikiligin pa ba tayo o look na lang tayong lahat sa sky with matching paghihikab?

Kakai, kumasa sa laitera

Kumasa at tinalakan ng Dental Diva Kakai Bautista ang perfect beings sa social media na walang katulad ang panlalait sa kanya

Mahaba-haba rin ang litanya niya sa kanyang IG para sa sangdamukal niyang body shamers.

Kuda nga ni Kakai: “S𝙾𝚁𝚁𝚈 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚔𝚊𝚕𝚞𝚗𝚐𝚔𝚘𝚝 𝚗𝚐 𝙸𝙱𝙰 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚔𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚛𝚒𝚕𝚒 𝚔𝚘. 𝙰𝙽𝙳 𝙸 𝙰𝙼 𝙴𝙽𝙹𝙾𝚈𝙸𝙽𝙶 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢 𝚋𝚒𝚝 𝚘𝚏 𝚆𝚑𝚊𝚝 𝙸 𝚊𝚖 𝚗𝚘𝚠 𝚊𝚗𝚍 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢 𝚜𝚎𝚌𝚘𝚗𝚍 𝚘𝚏 𝚖𝚢 𝙻𝚒𝚏𝚎. 𝙸𝚔𝚜𝚒 𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢, 𝚠𝚊𝚐 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚔𝚒𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊. 𝙿𝚊𝚔𝚒𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚢𝚘. 𝙶𝚊𝚠𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚘𝚗𝚐 𝙼𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊, 𝙼𝚊𝚜𝚊𝚢𝚊 𝚊𝚝 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚔𝚒-𝚙𝚊𝚔𝚒𝚗𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐.”

In Filipino ang paglalahad ni Bautista sa kanyang damdamin kaya tiyak, ‘yung mga mang-uurat niya, hindi siya tatantanan. Tiyak naman na by this time, ang Dental Diva more chances of winning na niresbakan na sila o kaya ay blocked ang mga damuho niyang basher at hater.

Leave A Reply

Your email address will not be published.