Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Dominic hindi bagay

0 221

NI: ARCHIE LIAO

Mega kilig na naman ang mga netizen sa ipinost ni Dominic Roque sa kanyang Instagram account kung saan may makikitang ka-holding hands niya, although wala namang ipinakikita sa pic kung sino ang kanyang kahawak-kamay.

Dahil dito, umani na naman ng iba’t-ibang reaksyon ang nasabing post sa netizen.

May mga natuwa at nagsabing marahil ay senyales na raw ito para lumantad ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Meron namang bitchy netizen ang nanghusga agad sa nasabing photo.

Post daw ito nang post kahit ng mga pahaging kay Bea samantalang wala namang effort umano on the part of the actress na ipakilala siya.

Never din daw itong nabanggit o napasama sa mga post ng actress.

Hindi kaya proud si Bea kay Dominic?

Ito ang ilan sa kanilang mga komento sa pinag-uusapang post.

“Baka naiinggit siya sa mga nakikita niya na mga couples sa showbiz kaso yung napili naman niya na guy hindi bagay sa kanya. Sana man lang parang Marian-Dingdong na both on the same level.”

“I’m not a fan of Bea but kahit ako wala ako makita na chemistry or spark sa kanilang dalawa ni Dom. Walang dating.”

“So true. Pilit ng pilit. Kung sila tlaga bkit puro kamay?”

“Mas gusto ko naman si Dom compared dun sa ex. Hindi nga lang sikat. At least si guy maganda family background, maganda values at buo ang pamilya at, higit sa lahat may pinag-aralan. May fall back kumbaga kung Hindi na mag showbiz na pinagtyatyagaan.”

“Äng bagay kay Bea ung mala prinsipe diba? kasi naka kahiya nmn kung hindi nia kalevel ung makakatuluyan nia diba?”

“Bea should have chosen a better man. This guy is not her perfect match. ”

“Si guy yung mahilig mag flex about sa kanila ni Bea bakit si girl parang kinakahiya siya pati sa mga interviews deny to death na exclusively dating sila casual dating lang daw?”

“Pansin ko lang, parang si Dom lang ang atat na atat mag post that he has Bea na.”

“Hindi nakikita ang tunay na kaligayahan sa sikat o ka-level ni Bea. Ang importante ay ‘yung lalaking seryosong magmahal sa kanya at hindi siya sasaktan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.