Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Dominic inamin ang away sa US: Doon naman kita mas minahal

0 254

Tiyak na marami ang kikiligin sa pasabog ng showbiz couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa latest YouTube vlog ng aktres na inilabas kagabi.

Bilang Valentine treat nila sa kanilang mga fan, ibinahagi nina Bea at Dominic ang kanilang love story sa vlog. Sa kanyang Instagram kahapon ay may pa-teaser video ang aktres kung saan ay makikitang nag-iinterbyuhan silang dalawa.

“So, eto na nga, we are going to share with you our love story just because it’s Valentine’s ❤️ May naidamay pa kaming witness🤣 Masaya to, kilig lang,” caption ni Bea.

Pahabol pa ng aktres, “pagpasensyahan nyo na, medyo pabebe ako sa video na ito, napansin ko lang after ma-edit! Sorry po, kinilig lang.”

Sa teaser video, tinanong ni Bea si Dominic, “kumusta ang buhay-pag-ibig? Sagot ng aktor, “okay naman, hon.”

Kinantiyawan pa ni Bea si Dom. “Hon, bakit ang seryoso mo? Para kang ano! Kinakabahan siya,” aniya.

Sagot naman ni Dominic, “ang lamig nga ng kamay ko, eh.”

Ipinakita ring tinatanong ni Dom si Bea ng “where was our first kiss?” Natatawang sagot naman ng aktres, “gusto mong i-share?”

May kuwento rin si Dominic na minsan daw ay parehas silang nasa may kasal na pinuntahan at pinapadalhan daw siya ni Bea ng mga videos nito.

Kontra naman ni Bea, “hoy, ang kapal mo! Ikaw din ang unang nagse-send sa akin na parang we were on the same. . .”

Hirit naman ni Dominic, “inaakit ako (ni Bea)!”

Natatawang pakli ni Bea, “ang kapal ng mukha mo!”

Makikita rin sa teaser na ikinukuwento ni Bea na maraming beses daw silang nag-away ni Dom sa nakaraang US trip nila.

Sabi naman ni Dominic, “doon tayo nagtatantiyahan ng ugali.”

Sagot naman ni Bea, “doon naman kita mas minahal after.”

Sey pa ng aktres habang magka-holding hands sila ni Dominic, “at least ngayon, sure ako, hon.”

Parang kinilig naman si Dominic at napahuni-huni na lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.