Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Dominic pupuslit pa-Europe

0 164

Viral ang photo ni Bea Alonzo na karay ang kanyang Louis Vuitton luggage sa kanyang Instagram account.

Ang eksena ay kuha sa isang airport na bitbit ang kanyang passport at boarding pass.

Mahihinuha mong naghihintay lang siya ng oras to board her flight.

Natunugan ding umalis siya papuntang Amerika nu’ng Tuesday night.

Tulad nang nabanggit niya sa panayam sa kanya, sinabi ni Bea na hindi muna niya sisimulan ang mga proyektong naka-line up sa kanya sa GMA-7.

Aniya, magbabakasyon daw muna siya to take a breather.

Inamin kasi ng aktres na sobra niyang na-miss ang travel.

Sa vlog ding iyon, nag-cite siya ng ten travel destinations para sa kanya.

Humirit din ang aktres na gusto niyang bumalik sa Prague sa Czech Republic na kasama na ang kanyang special someone.

Itinuturing kasi niya ang lugar bilang isa sa pinaka-romantic places para sa lovers sa buong mundo.

Dahil sa kaganapang ito, nagkaroon ng espekulasyon ang mga katkatera na go rin daw sa biyahe niya ang kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque.

Hirit ng ilang bitchy kibitzers, hindi raw kaya from US ay gora ang dalawa sa Europe para i-celebrate ang kanilang love.

Sa panayam kay Bea sa KMJS, sinabi nitong happy daw naman siya sa isyung nagkakamabutihan na sila ni Dominic.

Camille tagumpay sa balik-alindog

SM food to go Banner Ad

Mula nang magkaasawa at magkaroon ng tatlong anak ang Kapuso actress na si Camille Prats, naging prayoridad na niya ang kanyang pamilya.

Katunayan, isa sa naging struggles niya noon ay kung paano maglo-lose ng weight pagkatapos na ipanganak niya ang bunsong si Nolan noong nakaraang taon.

Pero, ngayon, desidido na ang aktres na patunayang kaya niyang ma-achieve ang desired body weight.

Sa kanyang Instagram account, proud si Camille na ibinahagi ang compilation ng video ng kanyang workout routine kung saan kinarir talaga niya ang pagpapa-sexy.

Bukod sa pagbubuhat ng dumbbells, ipinakita niya ang squats, deadlifts, overhead presses, planks, push-up at burpees na bahagi ng kanyang routine.

“Haven’t posted a workout in a while! here’s an AMRAP 25 (as many rounds as possible) for a whole body burn. different workouts every 5 minutes,” caption ng kanyang post.

Umani naman ng papuri si Camille sa kanyang balik-alindog goals.

Ang aktres daw ay isang fitspiration ng mga babaeng may-asawa na napanatili ang kanilang alindog sa kabila ng panganganak.

Ito naman ang ilang komento ng mga netizen qsa kanyang fitness program.

“You’re doing great Mars! Sana all!”

“Hala ang lakas niyo po!”

“Ka-inspire! Gawin ko rin yan bukas”

“I started working out because of you, you inspired me!! Keep it up”

Leave A Reply

Your email address will not be published.