Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Dominic matibay ang relasyon

0 558

Open book naman na magkaibigan ang this generation’s movie queen Bea Alonzo at hunky stud na si Dominic Roque.

Alam rin na they go out together. Minsan with friends, minsan exclusive lang sila dalawa while eating out and having each other as company. Hindi na rin bago na isa si Roque sa isa sa mga constant sa buhay ng aktres.

Kaya nga hindi ko maiwasang magtaka at magtanong, bakit pinaputok ang chikang magkasintahan na ang dalawa? May paparazzi shot lang na kumakain together outside the country, one plus equals two kaya magjowa agad-agad?

May emote lang si Dom na “tila ako’y nabibighani” with matching heart emoji. Ang lahat, ang we therefore conclude, go for gold na ang relasyon nila as lovers? Alam naman natin na most men say the sweetest things when they are full and satiated because of glorious food kaya hindi kaya sa Japanese delicacies nabighani si Roque at sa manner on how each dish was presented? Alam niyo naman sa Japan, pati sa pagkain, may kasaysayan at makasining na presentasyon sa mga inihahanda, lalong-lalo na sa pagkain.

Sa true lang tayo, wala namang masama kung ang magkaibigang ito ay nauwi sa pagkaka-ibigan. Lahat nagsasabi na friendship is the best foundation of a romantic relationship. Pag magkaibigan kasi muna kayo, you go through all the motion, sans masks and pretenses kaya you really get to know each other, secrets, warts and all.

Mas titibay ang relasyon.

Ang connection niyo ay nag-transcend na sa physical. Mas emotional at cerebral na ang inyong pinagsasaluhan. Minsan nga mystic o spiritual levels na ang unawaan niyo.

Kahit pa nga marami ang hindi makapaniwala na his 30’s na si Roque dahil nga he can still pass as someone in his twenty-something, emotionally mature and healthy ito kaya nga kung totoo man na sundin ni Alonzo ang tibok ng kanyang puso, aarte pa ba tayo? She is one woman who deserves true love and forever. At kung si Dominic ang sagot sa dasal ni Bea, eh di bongga!

**

MMFF movie ni Vice winasak

Walang kapreno-preno ang paglalahad si direk Erik Matti, huh. Ang panlilibak sa pelikula ni Vice Ganda, wagas at nakakawasak.

Ang Queen Bayot na may sariling network, pasok muli as a finished script sa MMFF Selection Committee ang pelikula nitong Prabeyt Benjamin 3. At dahil nga dito, hindi na napigil pa ni direk Erik na isambulat ang kanyang nagmamarakulyong damdamin.

Pakihanap na lang sa kanyang FB page ang talak niya sa pelikula ni Ganda na sa kanyang pakiwari ay walang kaganda-ganda at walang matinong maiaambag para sa sining pampelikula.

A perfect balance of commercial appeal at artistic excellence ang palaging pinangangalandakan ng mga taga-MMFF sa pagpili nila sa mga kalahok sa taunang festival. Sa usaping Praybeyt, alam na nating mas kinilingan ang box office appeal nito at kahit na anong artistic excellence, hindi na natin dapat asahan pa nga lalo na nga’t this is a Vice Ganda movie na buhay na patotoo lagi na may pera sa basura.

Kaya hindi ko masissi ang mabunying si direk Erik na hindi lang disappointed, frustrated na namang muli.

Ang tanong, confident ba ang pamunuan ng MMFF na by that time eh wala na ang pandemya, lupig at tapos na ito kaya nga may pangmalakasang anunsyo na of what to expect sa holiday season?

Leave A Reply

Your email address will not be published.