Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Dominic may kasunduan sa hiwalayan: We will still remain friends

0 141

Ibinunyag ni Bea Alonzo na may kasunduan sila ng boyfriend na si Dominic Roque sakaling dumating sila sa punto ng hiwalayan.

Sa bagong YouTube vlog ni Bea ay girl talk ang tema kung saan ay sinagot niya ang mga tanong sa kanya ng mga girls, gayundin ang mga nanghihingi ng love advice.

Isang netizen ang nagtanong kung ano ang gagawin niya dahil nai-inlove siya sa kanyang best friend at namumroblema na baka masira ang kanilang friendship.

“Naku, ang hirap nga ‘yan. Nangyari na rin sa akin ‘to girl,” simula niya.

Si Dominic ang tinutukoy ng aktres na best friend niya na naging boyfriend eventually.

“Actually, in fact, kami ni Dom, friends kami before we even became a couple. Sa totoo lang, for me ha, friendship is the best foundation of romantic relationship. So, bakit mo naman pipigilan ‘yung sarili mo?” ani Bea.

Payo ng aktres sa netizen ay i-maintain ang friendship kahit anuman ang mangyari sa kanilang relasyon dahil sila raw ni Dom ay ‘yun din ang napagkasunduan.

“Si Dom saka ako, ‘yun ang kasunduan namin. No matter what happens, we will still be friends. Kahit na humantong ito sa forever o hindi natin masasabi, pa’no kung hindi pala, di ba?

“We will still remain friends and that was the deal,” aniya.

May nagtanong naman kung okay lang ba na mag-flirt ang BF niya sa ibang kaibigang babae at agad na sagot ng aktres, “siyempre, hindi.”

She added, “for me, flirting is already cheating. Kasi ano ‘yun, eh, window to cheat. Kapagka nagpi-flirt, tapos kapag may bumigay, eh di affair na ‘yun, di ba?”

Isa pang tanong kay Bea ay kung paano niya dini-deal ang body shaming at ayon sa aktres, consistent niya itong nai-experience.

“I’m sure, ang daming nakaka-experience nito (body shaming). I, for one, I am experiencing this every single day. Pag nag-post ako sa Instagram, there are people pa rin who would body shame me consistently,” she said.

Ayon sa aktres, hindi raw siya nagpapaapekto sa mga negative vibes.

“Siguro, I’ve come to realize that you have to love your body and yourself first para made-deflect mo na ‘yung mga negative energy. And in case you want to have a better body, it should be for you. You should work out for yourself and for your health first. And then, ‘yung results and ‘yung output will come after.

“You should embrace your own skin, your own body, your curves and all and all the flaws to be able to give love to others and be able to present yourself in the best way that you can,” she said.

Sinabi rin ng aktres na lahat daw ng body types ay dapat i-celebrate.

“It doesn’t matter if you’re big, or you’re thin or you’re too slim. 2022 na, dapat lahat ng katawan, dapat sine-celebrate,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.