Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea feeling basura

0 563

NI: VINIA VIVAR

Halatang naka-move-on na nga si Bea Alonzo sa ginawang pango-ghost sa kanya ni Gerald Anderson dahil natatawanan na niya ito ngayon habang ikinukwento niya ang experience sa television writer na si G3 San Diego.

Nainterbyu si Bea ng nasabing writer sa live Instagram session nito at isa sa napag-usapan ang last heartbreak niya may isang taon na ang nakakaraan.

She recalled that day nang dumalo siya sa scriptwriting workshop niya kay Ricky Lee. Apparently after ng class ay magkikita sila ng BF pero hindi na nangyari at na-ghost na nga siya.

Bago ito ay hindi niya raw alam na may terminong ghosting at marami na raw palang nakakaranas nito.

When asked kung ano ang pinaka-painful na break-up na naranasan niya, sagot ni Bea, “siguro the last one that happened to me” na obviously ang tinutukoy ay ang paghihiwalay nila ni Gerald.

Aniya, ni hindi nga raw niya alam ang dahilan kung bakit siya iniwan or kung ano ba ang nagawa niya.

“Without any reason why. I don’t even know what I did. I felt like it was unfair because kung may mali ako, sana maitama ko. ‘Yung parang feeling ko, it’s just having no respect for the relationship, for a 3-year relationship. Siguro ‘yun ‘yung pinakamasakit,” ani Bea.

Patuloy niya, “I think it’s not just the ghosting part that’s painful. I think it’s the chapter leading to that.”

She went on to share that she was gaslighted bago pa man siya na-ghost.

Ayon sa isang article sa internet, “Gaslighting” is used to describe abusive behavior, specifically when an abuser manipulates information in such a way as to make a victim question his or her sanity. Gaslighting intentionally makes someone doubt their memories or perception of reality.”

Ani Bea, “I was gaslighted. So, parang I felt like garbage, I felt like I was worthless. So, I guess ‘yun ‘yung resentment ko more than just the ghosting part. It was making me feel na I was worthless and I believed it.

Ayon pa sa aktres, hindi pa raw niya napapatawad ang sarili kung bakit siya pumayag na gawin ito sa kanya.

“Actually, ‘yung forgiveness nga, maybe I am working on being able to forgive myself for allowing somebody to treat me that way.

“I felt like hindi ko rin prinotektahan ang sarili ko as a woman,” she said.

Pero sinabi naman ng aktres na naka-move na rin siya sa nangyari kaya nga naikukuwento na niya ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.