Abante Tonite Interactive

Bea, Gerald ‘di sinukuan ang relasyon

By
1,164

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng isa pang coupling na marami na ang abangers talaga sa kanilang pag-walk down the aisle at i-proclaim ang kanilang happily ever after ay sina Bea Alonzo at Ge­rald Anderson.

May photos for poste­rity silang kuha sa Hong Kong at hindi maikakaila na talagang tinatrabaho nilang maging subok na matibay, subok na matatag ang kanilang relasyon.

Of recent memory, alam naman nating may kaunting gusot at lukot ang kanilang pagmamahalan pero naayos rin naman. Walang duda na ang pagsubok na kanilang pinagdaanan ang mas nagpapatatag sa kanilang dalawa at relasyon.

Sa true lang, ‘pag committed ka naman talaga sa iyong karelasyon at pakikipagrelasyon, hindi dapat isuko agad. Hindi dapat magpalupig ang pag-asa lalo na kung alam mong it is worth fighting for.

Maraming matututunan sa relasyong Anderson at Alonzo dahil alam mong pareho silang emotionally mature in carrying and handling ang kanilang pagmamahalan.

Nawa’y sa bandang huli, mabuhay ang bagong kasal na ang sinisigaw natin para sa kanilang dalawa.

Carlo-Angelica wagas sa kilig

Kilig to the max! Ang balana at madlang pipol, isama na rin natin ang dabarkads, iyan ang reaksiyon sa super saccharine na mensahe ni Angelica Panganiban para sa kanyang dating kasintahan at leading man na si Carlo Aquino.

Alam naman nating lahat na noong wonder years nina Aquino at Panganiban, sila ay nagka-relasyon na anim na taon ang itinagal.

Kahit pa nga nagkahiwalay ang de-color at puti nilang dalawa, ang kanilang pagiging magkaibigan kanilang napanatili. Walang bitterness at ampalaya moments. Wala ring bad blood kaya ang giliw at respeto sa isa’t isa ay kanilang napanatili.

Kaya nga ang mensaheng ganito ni Angelica sa Instagram para kay Carlo, hindi na kataka-taka, “Sa’yo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan @jose_liwanag.”

Ang tandang pandamdam na mas lalong nagpakilig sa lahat, ang larawan na makikitang magka­yakap silang dalawa. Kuha ba ito sa kanilang paparating na pelikula o personal photo nila na Angelica did not mind sharing?

Ang larawang bang ito ay hudyat na sila ay on the verge of being reunited and it feels so good at sa malapit na hinaharap haharapin na nila ang kanilang bagong magpakailanman?

Kung ano man ang sagot sa mga tanong at kung kailan ito masasagot, sina Angelica at Carlos lang ang nakakaalam.