Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Gerald inaabangan ang ‘closure’

0 68

Matapos maging matagumpay ang bidyo ni Moira dela Torre na “Paubaya,” na may “closure segment” sina Julia Barretto at Joshua Garcia, sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na na ang kasunod?

Pwedeng mangyari iyan kung hindi na “bitter” ang dalawa. ’Yung emotionally mature at in a happy and safe place sila right now. Pag binuksan nila ang kanilang can of worms at nagpalitan ng mga salita eh they can be at their most professional at mapapakita nilang lahat kung gaano sila kahusay na mga artista.

Handsomely rewarded naman ang special participation nina pretty Miss Barretto and the boyishly charming Garcia dahil nga habang tinitipa ko ang pitak na ito eh may 10 million views na ito sa YouTube at siguradong mag-spill over ang popularidad nito sa top FM stations at maging part of the playlist ng mga basta iniwan na lang.

Dahil nga sa kanta, ilang oras namayagp;ag sa Twitter ang salitang “ang sakit” at mga pangalang “Julia,” “JoshLia” at “Gerald.”

At unanimous ang verdict sa mga reaction videos, “nakakaiyak,” “galing talaga sa puso nilang dalawa,” “Parang hindi sila numaarte” at “alam na natin guys kung sino ang dapat sisihin sa hiwalayan nila.”

Kaya, will this generation’s movie queen at ang lalaking basta na lang siya iniwan , tatangapin ang “closure challenge?”

May ibang kanta pa ba si Bb. Moira na bagay na bagay para naman sa sitwasyon nina Alonzo at Anderson? Maging sing tapang rin kaya silang dalawa, just like La Barretto at El Garcia, who had a showdown with themselves and their emotions, at sinulat ang mga linyahang nakakawarak ng mga puso?

Naku ang bola at ang hamon ay nasa korte niyo na, Bea at Gerald. Magiging matapang at tapat ba kayong tatanggapin ito na maaring maging the greatest performance of your careers?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Laban na Alonzo at GeGe!

PangPang nagpakilig sa video

Ang diva that you love, alam na alam na agad kung anong “kantahan” ang iniisip niyo porket magkatabi ang PangPang Couple na sina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan.

Bawas-bawasan naman ang panood na adult entertainment videos dahil totoong mikropono at musika ang usaping kantahan dito at yung pagtatabi, literal na magkatabi sila habang looking at the horizon.

Ang BL Couple of the Year, ang PangPang ibang kilig ang hatid para sa kanilang mga panatiko at tagasubaybay dahil sa pagsasamang ito sa video ni Ian para sa kanyang kantang “Katabi” ang pamagat. Impressive rin ang views nito sa YouTUbe, 3- thousand plus strong ang counting.

At sa true lang tayo palagi, nakakapagkalembang ng kolehiyala sensibilities talaga itong si Ian dahil kung pinanood niyo na ito, talaga namang handsomely photographed at naka-LSS ang chorus part nitong: “Ang iyong ngiti, ang iyong pisngi, ang lambot ng iyong labi. Laging minimithi, laging iniisip, ikaw lang ang nais makatabi.”

Hay naku Ian at Paolo Pangilinan, totohanin na kasi ang lahat at magpaka-totoo na, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.