Abante Tonite Interactive

Bea at Gerald lambingan ang sarap-sarap

By
10

MAGKA-DATE ang mag-sweethearts na Gerald Anderson at Bea Alonzo sa isang Spanish restaurant sa BGC (Bonifacio Global City) noong Saturday night. Kasama ng dalawa ang ilang mga kaibigan.

In fairness, very open na ang dalawa sa kanilang relasyon ngayon. Mahigit isang taon na rin naman silang lovey-dovey after nilang magkabalikan.

Si Gerald pa mismo ang bumati sa amin nang papasok pa lang kami sa restaurant na ‘yon.

Hindi sana namin sila mapapansin sa table sa may labas ng restaurant kung hindi tumayo ang aktor para batiin kami. Si Bea naman, kumaway at nag-hello sa amin.

Nang sulyapan namin sina Gerald at Bea habang nasa loob na kami, ang saya nilang tingnan at mismong ang mga tao sa restaurant na ‘yon ay nagkokomentong bagay talaga sila sa isa’t isa. Ang sarap nga nilang tingnan habang naglalambingan.