Abante Tonite Interactive

Bea, Gerald mapagkakamalang anak si Malia

665

Isa si Bea Alonzo sa 26 pares ng ninong at ninang sa star-studded na baptismal at first birthday ng bunsong anak nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Kai Gutierrez.

Akala namin ay hindi makakarating si Bea dahil nasa Palawan siya at nagsu-shoot ng sinasabing secret project nila ni John Lloyd Cruz, pero nandu’n siya sa event ng mga Gutierrez sa Whitespace, Makati nu’ng Linggo nang hapon.

Si Richard ang makakapareha ni Bea sa bago niyang Kapamilya tele­serye na kasama rin si Ian Veneracion.

Abante Hiring – IT dep

During the dedication ceremony ni Kai ay katabi ni Bea ang ninong na si James Yap at ninang din na si Janine Gutierrez kaya binati at tsika-tsika siya sa mga ito.

After the ceremony ay nilapitan pa talaga ni Chard at ni Sarah si Bea para magpalasamat dito sa pag-ninang kay Kai.

Naki-table si Bea sa magdyowang Pokwang at Lee O’Brian na katabi ng table namin nina Mother Lily Monteverde.

Maya-maya ay dumating ang boyfie ni Bea na si Gerald Anderson at tumabi si Ge kay Bea.

In fairness ay nagtatagal ang relasyon ng dalawa at mukhang happy sila sa isa’t isa.

Tuwang-tuwa si Bea sa cute na anak ni Pokie na si Malia at panay ang laro niya sa bagets.

Nang ikandong ito ni Bea at mapagitnaan nila ni Gerald ay puwedeng mapagkamalang anak nila ang tisay na si Malia.

Ka-table din ng Bea­Rald si Coleen Garcia na solo flight at hindi ka-join ang hubby nito na si Billy Crawford.

Ang daming lumapit para magpa-picture kina Bea-Gerald at magiliw naman nilang pinagbigyan ang mga ito. (Allan Diones)