Abante Tonite Interactive

Bea, higit pa sa kilig ang ipapalasap

109

MASAYA si Bea Binene sa bago niyang project sa GMA na TsuperHero­ kung saan love interest siya ng bidang si Derrick Monasterio.

Hindi lang ito basta comedy series. Relatable daw ito sa kahit na sinong manonood.

Excited siya dahil siguradong hindi lang kilig ang makikita sa kanila kun’di maraming life lessons.

“Makaka-relate din ‘yung mga jeepney drivers, ‘yung masa na hindi lang mga bata pati ‘yung mga pamilya, nanay, tatay.

“Kada tao, makaka-relate sa bawa’t eksena,” kuwento ni Bea.