Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea hindi pa nagpatawad

0 1,606

NI: ARCHIE LIAO

Sa Kuwentong Barber, naging reference ni Edward ang kaibigan nitong si Enchong Dee sa kanyang pagtatanong kay Bea Alonzo kung kailan nito balak mag-asawa.

Nasabi kasi noon ni Enchong na pag naging bilyonaryo na siya ay balak na niyang mag-settle down.

Iba naman ang pananaw ni Bea.

Ani Bea, noon daw naging goal niya na at the age of 25 or 26 ay magse-settle down na siya.

Pero, naurong nang naurong daw ito.

Ngayong 33 na raw siya, nananatili pa raw siyang single bagamat may idine-date daw naman siya pero wala pang seryosohan.

Bagamat wala namang binabanggit na pangalan,(pero hinuhulaan na ang ex nitong si Gerald Anderson ang umano’y tinutukoy ) natanong din ni Edward kung nakapagpatawad na ba si Bea.

“Have you forgiven?”, ani Edward.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sagot naman ni Bea, ang pagpapatawad ay isang proseso pero sinisikap daw naman niyang gawin ito.

“When you feel like you’re already there, meron ka na naman… may bago kang maa-absorb. And then, lalayo ka na naman sa goal mo to forgive,” paliwanag ni Bea. “I’m working on it very hard, because I feel, like, for me to become a better person, which I’m aiming to become every day, I have to be able to pass that stage,”dugtong niya.

Hirit pa niya, paano raw siya magpapatawad kung ang taong nagkasala sa kanya ay hindi umaako ng kanyang pagkakasala.

“But I cannot say I have forgiven fully, but lalo na kapag hinahanapan mo ng accountability,”makahulugan niyang pahayag.

Na-realize rin daw niya na ito rin naman ang dapat gawin para makapag-move on.

“Even if a person will not ask for forgiveness, one should still forgive, right?,” bulalas niya.

Sa tanong naman sa posibilidad na mauwi ang kanilang pagkakaibigan ni John Lloyd Cruz sa tunay na romansa, ayaw raw niyang magsalita nang tapos.

Opinyon naman ng kibitzers, awkward daw naman para sa aktres ang magsalita tungkol kay Lloydie tungkol sa posibilidad ng real-life romance nila.

Sey nila, dapat nanggagaling daw ang initiatibo o move kay John Lloyd.

Leave A Reply

Your email address will not be published.