Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea inaabangan ang resbak kay Gerald

0 112

NI: ALWIN IGNACIO

Ang lahat ay biglang nakalimutan ang mga problemang sama-sama nating hinarap ngayong isang taon na quarantine season dahil sa bagong showbiz pasabog.

Ngayon, ang ballcourt ay na kay Bea Alonzo. Sa ginawang pag-amin ni Gerald Anderson, magsasalita ba ang babaing minsan ay minahal niya? Will this generatiot’s superstar take the silence is golden and it my defense tactic?

Hindi niya ba pasisinungalingan ang mga pahayag ng lalaking makisig na maganda ang mukha at tindig lalo na ang tungkol sa pagiging “toxic” ng latter part of their relasyon at walang “ghosting” na nangyari?

Ang vindication of course para kay Bea, ang pagtatapat ni Anderson ay isang nagmumurang katotohanan na ang other woman nga sa buhay nito ay si Julia Barretto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ano nga kaya ang susunod na kabanata sa drama sa totoong buhay na ito? An Anderson and Barretto wedding? O announcement of a date with the stork si pretty Miss Barretto na of late eh vocal sa kanyang nasa na bet na bet na niyang magka-baby?

In fairness sa production designer na minadyik ang locale para sa panayam nina Boy Abunda at Papa Gege, dapat palakpakan at papurihan kung sino man siya dahil soft yellow lights all over. Talagang sinadya, huh! Gustong palambutin ang puso ng mga taong may suklam at poot kay Anderson.

Ang mas nakakalokang elemento, biglang naging promo para sa bago niyang drama ang talastasan niya kay Abunda. Naipasok talaga. Ang galing! Hahahahha.

Ang mas magaling, ang pained expression sa mga mata ni Gerald na pinansin ni Boy. Finally, nanalig na ang diva that you love na marunong na pala talaga siyang umarte. Dahil diyan, siya siguro dapat ang maging acting coach nina Diether Ocampo, Richard Gutierrez, Aljur Abrenica at David Licauco. Ang savage! Hahahahha!

At sorry na lang Gerald Anderson ha. Hindi ko masuportahan ang iyong “happiness” sa kasalukuyan dahil nga may babae kang sinaktan at pinaluha para lang ma-achieve mo ang bliss at contentment na ito. Kaya, huwag ako!

Leave A Reply

Your email address will not be published.