Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea inaabangan sa GMA

0 868

Ngayong ang tunay na drama king John Lloyd Cruz ay go for gold na ang pagiging taga-Kapuso network, totoo nga kaya ang bulong-bulungan ng mga dalahira at katkatera na ang this generation’s movie si Bea Alonzo, ang next premium talent acquisition ng mga ka-Siyete?

Wala namang masama kung maging Kapuso si Alonzo at talagang welcome addition ito sa network na sa mga babaing talent na meron sila, tanging si Jennylyn Mercado lang talaga ang nararamdamang mong naging estrella ang karera.

Alam naman natin na kahit pa may Heart Evangelista, Lovi Poe, at Carla Abellana ang Kapuso network na may stature at stellar naman talaga, mo match sila sa mass appeal at istariray powers ni Bea.

Saka, pag naging Kapuso na ito, hindi na mahihirapan pa ang promotion sa pelikula nila ni Alden Richards kung matutuloy.

Ang saya-saya naman kung sa Kapuso network at sa GMA Films pa mangyayari ang super inaabangang balik tambalan nina Bea at JLC, hindi ba naman?

And it will be wonderful to see Bea being paired with the top Kapuso leading men, si Dingdong Dantes na nakasama na niya sa pelikula dati, Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Bagamat spoken in supposedly stage whispers ang inaasahang kaganapang ito, and ngayon na it is out in the open, malay mo, malay ko, malay nating lahat, the forces of the Universe conspires to make Bea Alonzo a Kapuso. Ano pa nga ba blooming ang dapat maging reaksyon dito kundi palakpakan na may kasamang hiyawan!

@@@

SM food to go Banner Ad

Andrea ayaw mag-inarte kay Lloydie

Walang halong pag-iimbot at buong katapatang tatanggapin ni Andrea Torres na makasama at makatrabaho si John Lloyd Cruz sa kahit na anong proyekto.

Wala pa raw kasing formal advice sa kanya ang pamunuan patungkol sa sitcom na supposedly ay pagbibidahan nila ni drama king nano longer in sabbatical.

Ano nga kang klaseng sitcom ang pagsasamahan nila JLC at Torres? Parang too young naman sila kung gagawing millennial “John En Marsha.” Pasok sa banga kaya kung mala-“Kaya Ni Mister, Kaya ni Misis,” na pinagbidahan dati nina Maricel Soriano at Cesar Montano. O mas pasok sa banga kung very “Richard Loves Lucy” ang kanilang gagawin na siyang naging sitcom dati nu’ng nabuhay ang bagong kasal ang Gomez power couple.

Keri din na ala-‘Home Sweetie Home’ nina John Lloyd at Toni Gonzaga na dinirek ni Bobot Mortiz.

Magkakasama sina Willie, direk Bobot at JLC sa isang photo. Hindi kaya sila rin ang magsama-sama sa bagong sitcom?

Ang adding more fuel to the ones whose thoughts are most pregnant, eh ang katotohanan na kung sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, na ex lovers ni Cruz at Andrea ay sa IG na lang nambubulabog, silang dalawa eh magpapakilig sa telebisyon na walang dudang pakaka-abangan ng mga sumusubaybay sa karera ni JLC at Torres.

Upgrade na upgrade ang leading lady status ni Andrea Torres pag gumiling na ang cameras at nagsimula na ang taping ng sitcom nila ni John Lloyd Cruz. Panalo, hindi ba naman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.