Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea inutangan si Lloydie

0 563

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Bea Alonzo ang kanyang top 10 favorite travel destinations.

Nagbigay rin ng tips ng mga lugar na hindi dapat ma-miss ng isang traveller sa bawat bansang kanyang napuntahan.

In no particular order, kasama sa listahan niya ang France, Italy, Norway, Amsterdam, Japan, Dubai, Vienna, Germany, Prague at Denmark.

Pagkatapos daw ng pandemya, gusto niyang pumunta sa Switzerland, Greece, Finland, Vietnam, Turkey, Iceland at iba pa dahil sobrang na-miss daw niya ang magbiyahe.

Sa mga lugar na nabisita niya, gusto raw niyang manirahan sa Japan next to the Philippines.

Gusto raw niyang mapuntahan uli ang mga nabanggit na European countries na perfect getaways daw kung may kasama kang dyowa.

Medyo kinilabutan daw siya nang bisitahin niya ang Germany at Austria dahil na-imagine raw niya ang hirap na dinanas ng Holocaust victims nang puntahan daw niya ang mass grave ng mga ito.

Hindi naman niya malilimutan ang naging karanasan niya sa Dubai kung saan naging lifesaver niya ang love team partner na si John Lloyd Cruz.

Related Posts

Ito raw iyong panahong naengganyo ang kanyang inang bumili ng maraming ginto sa Dubai.

“May, istorya ako diyan. ‘Yung nanay ko, the first time we ever went to Dubai, parang we had this show (Return of the Champions) with the champions pa at that time. So at that point, I was really jet-lagged, I was really tired. So sabi ko kay Mama, hindi na ako sasama doon sa Gold Souk. She went with the group, ako natulog lang ako hotel. At this point, wala pa akong credit card nito. My mom arrived at the hotel, ang dami nilang dalang alahas.”

“So nagtanong ako, ‘Asan na ‘yung talent fee Ma?’ Nagastos nila lahat sa Gold Souk,” kuwento niya.

Ang ending daw nila, naubusan sila ng pera dahil wala pa raw naman siyang credit card noon.

Sa meals daw nila, nakisabay sila kay John Lloyd para makalibre.

“Sa buong 5 days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera, as in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals. Binayaran naman namin siya pagdating sa Manila.,” pagbabahagi niya.

Sa rebelasyong ito ni Bea, may ilang faney na nag-react na sana sila na lang ni John Lloyd ang magkatuluyan dahil bukod sa lifesaver pala ay hamak na galante raw umano ito kumpara sa idine-date niyang si Dominic Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.