Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea isasahog sa Alden-Jasmine serye

0 260

Pagkatapos mag-season break ng The World Between Us noong Biyernes, nanganak na naman ang iba’t-ibang espekulasyon ang pansamantalang pagkahinto ng pag-eere ng programa.

Hirit naman ng ilan, natigil daw ang programa dahil walang nakabangkong episodes ang serye dahil sa biglaang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR.

May mga usap-usapan ding kaya raw nagdesisyong mag-season break muna ang produksyon ay dahil plano raw nilang baguhin ang script nito.

Malakas pa nga ang bulung-bulungan ng mga mahadera na may major na pagbabago raw sa istorya ng teleserye.

Bet daw umano na ipasok sa TWBU si Bea Alonzo para palakasin ang serye at makita ang chemistry nila ni Alden Richards.

Dahil sa major star si Bea, baka raw iligwak nito si Jasmine Curtis-Smith sa nasabing TV series.

Bukas naman ang pitak na ito sa paglilinaw ng GMA Entertainment Group hinggil sa usaping ito.

Alonzo nailang kay Pia

Pagdating sa mga kalokohan, bibilib ka talaga minsan sa pagtatagni-tagni ng mga kuwento ng mga Pinoy.

Ngayon, nabuhay at nahalungkat na naman ang isyu tungkol kina Pia Wurtzbach at Bea Alonzo sa pag-play up ng lumang interview sa Kapuso actress.

Sa socmed, muling nag-viral ang guesting ni Bea kasama ang kanyang First Love leading man na si Aga Muhlach sa lumang episode ng GGV.

SM food to go Banner Ad

Sumalang sa challenge na “Tanong Mo, Mukha Mo” ni Vice Ganda sina Bea at Aga kung saan kailangan nilang tanungin ang personalidad na ifla-flash sa screen.

Nang lumabas ang litrato ni Pia, sa simula pa lang ay halata nang uncomfortable si Bea.

Si Aga ang unang nagtanong kay Pia at nagtanong na “Bakit? Ano ang nangyari? ” habang nakatingin kay Bea.

Muntik na namang mag-walk out ni Bea sa nasabing episode pero nang matanong siya kung ano raw ang mensahe niya sa 2015 Ms.Universe, ang tanong din daw ni Aga ang gusto niyang itanong kay Pia.

Del Prado ayaw idiin si Julia

Walang balak si Janus Del Prado na balaan si Dom sa intensyon nito sa aktres.

Naniniwala kasi siyang mature na rin si Bea to make a sound decision for herself.

Saka na lang daw siya magre-react kung sakaling kailangan na naman niyang ipagtanggol ang matalik na kaibigan.

Tungkol naman kay Julia Barretto na dyowa ni Gerald Santos, hindi raw siya magsasalita ng anuman laban dito kahit ipagtanggol pa nito ang nobyo sa mga isyung ipinupukol sa huli.

Ito raw ay sa kadahilanang malaki ang respeto niya kay Dennis Padilla, ang tatay ni Julia na naging mabait naman sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.