Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, John Lloyd bibida sa GMA Station ID

0 238

Kamakailan lang ay namataan sina John Lloyd at Bea Alonzo na magkasama sa isang proyekto. Dahil sa kaganapan, kung ano-anong hula-hula at ispekulasyon ang umiikot.

May kumukuda na isang patalastas para sa isang pangmalakasang produkto ang dahilan kaya nag-volt together sina Alonzo at JLC.

May hanash naman ang pagsasamang ito ay para sa Kapuso Christmas Station ID na casting coup talaga kung may La Bea at Ginoong John Lloyd, hindi ba naman?

Eh, ano na ‘yung patalastas na very Christmas station ID ang dating na ang mga bumida ay sina Lani Misalucha, Julie Ann San Jose, Mark Bautista, Christian Bautista, Maricris Garcia at Aicelle Santos and the rest of the singing Kapuso starlets, hindi pa ba iyon ang opisyal na CSID?

Ano iyon, patikim lang of the song tapos may isa pang in shooting right now kung saan nga kasama sina Alonzo at JLC? Siyempre tiyak present ang tunay na Kapuso royals na sina Dindong Dantes at Marian Rivera, Alden Richards, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis Smith, Sanya Lopez at Gabby Concepcion at iba pa.

Ang diva that you love, sa CSID na yan kung part two pa nga, si Kris Bernal na nagkaroon na ng project sa TV5 at pumirma ng management contract sa ibang kumpanya, masisilayan pa ba natin ?

Ang hindi natin alan kung bobongga pa ang karera pero loyal sa Kapuso, si Mark Herras, makakadaupang palad o makakasama man lang ba

sa frame sina Bea at Ginoong Cruz or itsapuwera na naman ito?

Well, kung tunay ngang sa CSID, sa isang commercial, TV special, short film o pelikula ang pagsasamang ito nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, kaabang-abang talaga ito dahil marami naman talaga ang humahanga, sumusuporta at nagmamahal sa kanilang tambalan.

Marian grabe ang kinis

Pak na pak ang appreciation sa mga larawan ni Marian Rivera .Ang suot niya ay isang one-piece swimsuit number with a lower than low cut sa likod. Ang resulta, kitang-kita kung gaano kakinis at kahalina-halina pa rin ang nag-iisang Mrs. Dantes.

Ang kanyang kabiyak ngang si Jose Sixto, may reaksyon sa kanyang “kissed by the sun” photo caption na “Anong kissed by the sun? Ako kaya yun.”

Si Papa Dingdong ang official photographer ni Marian. Talagang alam na alam mong may artistic at creative ang pinakamasuwerteng mister sa balat ng lupa.

Grabehan talaga ang ganda ni Marian, misis na at mother of two pa pero vavacoom pa rin. Habang tumatagal, paganda nang paganda, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.