Abante Tonite Interactive

Bea, John Lloyd malupit ang ‘secret project’

546

Apparently, ang pagkikita nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Palawan kamakailan ay hindi isang aksidente kundi may project pala silang ginagawa together.

Sa panayam kay Bea na lumabas sa isang online showbiz site, kinumpirma ng aktres na hindi pa niya puwedeng sabihin kung para saan ang pagkikita nila ni Lloydie. Isang malupit na sikreto ang proyekto nilang ginagawa.

“I was happy to see him. We had a good time there. We were with friends also. But I can’t disclose what’s it’s for yet. Pero, ano ‘yan, surprise,” Bea was quoted as saying.

Matatandaang nag-viral few days ago ang larawan nina Bea at Lloydie na magkasama sa Palawan. Ang lahat ay nagulat sa pagkikita ng dalawa dahil wala namang balitang may project sila together.

Pagkatapos nito ay may mga naglabasan pang ilang larawan ng dalawa na tila kumukumpirma na gumagawa nga sila ng proyekto sa Palawan.

Pero natuwa naman si Bea na positive ang reactions ng mga tao although nagulat daw siya na naglabasan ang mga larawan sa socmed. Ang daming nagkomento na nami-miss na nila ang love team ng dalawa at nagre-request sila na gumawa ulit sila ng movie.

Ayon pa kay Bea, na-miss daw niya na makatrabaho si Lloydie.

“Definitely. Nami-miss ko siyang makatrabaho. I’m sure maraming nakaka-miss din sa kanya na tao na nanood ng pelikula.”

Pahayag pa ng aktres, although matagal silang hindi nagkita ng dating ka-love team ay hindi naman daw sila nawalan ng contact at komunikasyon.
Well, abangan na lang kung ano ang nilulutong proyekto ng dalawa.
***

Life support ni Eddie ayaw
alisin ng pamilya

Last Friday night ay nag-release ng statement ang spokesperson ng pamilya ni Eddie Garcia na si Dr. Toni Rebosa at nilinaw na hindi aalisin ang life support ng beteranong aktor.

“Please be informed that the family of Mr. Eddie Garcia has not authorized nor has it consented to withdrawal of life support,” the statement read.
“They have however agreed to place him on DNR status. Thank you,” ang pahayag ni Dr. Rebosa.

Ang DNR ay “do not resuscitate” ang ibig sabihin which means, hindi na ire-revive pa si Manoy Eddie kapag may nangyari pa ulit na hindi maganda, halimbawa’y atakehin ulit ang aktor or ‘di kaya’y tumigil na ang kanyang paghinga or nag-flat line na ang aparato.

As of press time ay wala pa ring pagbabago sa kundisyon ni tito Eddie at patuloy pa rin siyang in a comatose. Patuloy na nagdarasal ang buong showbiz industry para kay Manoy Eddie.