Abante Tonite Interactive

Bea, Julia ‘pinagbati’ ni Ethel Booba

0 661

Mistulang pinaglaruan ng TV perso­nality, author at komendyanteng si E­thel Booba ang mainit na kontrobersya na kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Ge­raldo Anderson at Julia Berretto.

Nag-trending kahapon sa Twitter ang naka-post nitong edited picture nina Bea at Julia kungsaan kasama siya at may title na “Pinagbati ko na sila. Cha­rot. #TeamEthel.

Marami sa mga netizen ang naaliw sa nakakatuwang post ni Ethel Booba, (Ethyl Gabison sa totoong buhay) lalo pa’t maraming personalidad hindi lang sa mundo ng showbiz ang nakisawsaw sa isyu kundi maging Justice sa Supreme Court, mga senador at congressman ay ‘affected’ na sa cheating controversy sa pagitan nina Bea, Gerald at Julia.

Ayon kay ALLEN @allenagapayy: “That’s why we need Ethel Booba in Senate charot.”

@_chikyChicken: Ethel Booba the Pacemaker. Charot! #TeamEthel
@glyssavera: HAHAHAHA AY OY ETHEL BOOBA IKAW NA AKONG BAG-O NGA IDOL
Lalo pang natuwa ang mga netizen nang mag-post pa ito ng isa pang pang edited picture na kasama siya ni Bea gayundin sina Tony Gonzaga at Shaina Magdanao na may head na “Me and my friend with Salazar Sisters while rea­ding IG post. Charot!”

Makikita si Ethel na may hawak na malaking ahas habang katabi sina Bea. Hango ito mula sa pelikulang ‘Four Sisters and a Wedding’ nina Angel, Bea kung tinawag silang Salazar’s sisters.

Ayon sa mga netizens na malinaw na pinatutungkulan ng ahas ang umano’y pang-aagaw ni Julia kay Ge­rald.

Nauna dito, super trending na worldwide ang issue dahil na rin sa sari-saring reaksyon sina Justice Marvin Leonen, Senador Nancy Binay, Rissa Hontiveros at maging ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.