Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea, Julia pinaglaruan

0 319

Habang nagpapakasaya naman si Bea Alonzo kasama ang rumored boyfriend na si Dominic Roque sa bakasyon nito sa Amerika, may ilan namang netizens na pinaglaruan ang mga Instagram post ng aktres at ng co-star nitong si Julia Barretto noong panahong “buddy-buddy” pa sila nang ginagawa nila ang Kapamilya teleseryeng “A Love To Last”.

Mega grab sila sa naging posts noon ng dalawa habang ipino-promote nila ang nasabing teleserye na pinagbidahan din nina Ian Veneracion at Iza Calzado.

May photo pang nag-circulate na kuha sa eksena ng TV series kung saan magkayakap ang dalawa.

Sa nasabing serye, aminado naman ang dalawa na doon na-develop ang kanilang closeness.

Naka-bonding pa ni Julia noon si Bea na gumaganap na stepmother ng aktres sa ALTL.

Sa kanilang Instagram accounts din noon, muling na-screen grab at lumutang ang mga mensahe nila ng terms of endearment sa isa’t-isa.

Fast forward, sino ba ang mag-aakala na sila pala ang magkakaribal sa atensyon ni Gerald Anderson?

Sey naman ng kibitzers, patuloy raw na pagsasabungin ng mga kate-katera ang dalawa unless aamin na si Bea na may relasyon na siya kay Dominic.

Dagdag pa nila, dapat daw ay mag-move on na rin si ate gurl sa ghosting sa kanya ni Ge lalo pa’t may pahayag ito na hindi pa rin nakakapagpatawad.

Ai Ai pumalag na basura ang ginagawa

Iniintriga ngayon ang komedyanang si Ai Ai delas Alas dahil sa pagsawsaw umano nito sa isyung kinasasangkutan ng ABS-CBN director na si Andoy Ranay at ng beteranang actress na si Jaclyn Jose.

Sa isa kasing panayam, sinabi ni Direk Andoy na kaya siya nananatili sa Kapamilya network ay dahil naniniwala siyang patuloy na nakakapag-prodyus ito ng mga de-kalidad at ‘world-class’ na mga programa na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo.

Pagbibiro pa nito: “’Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman yung trabaho – wow! Grabe.”

Dahil sa sinabi niyang ito, hindi naman napigilang mag-react ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa paniniwalang ang GMA-7 ang pinariringgan ng director.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi pa ito ng makahulugang quote na “I don’t fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me.”

Emote pa ni Jaclyn, hindi biro ang hirap at pagod na ginugugol ng mga tao sa produksyon (cast and crew) ng isang proyekto para lang mapaganda ang kanilang programa.

Sa huling bahagi, may hanash pa siyang : “Kahit ano pagod ginagawa namin makapagbigay ng maganda programa na hindi (BASURA).”

Sa resbak ni Jaclyn kay Direk Andoy, sumang-ayon naman ito sa Cannes best actress.

“Tama Ms. best actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera .. ang pinag hirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahantulad sa basura,” pahayag ni Ai Ai.

Dahil dito, may ilang kibitzers ang nagkomento kung bakit daw mega react daw sina Jaclyn at Ai Ai sa sinabi ni Direk Andoy samantalang wala naman itong diretsahang network na tinutumbok.

Hirit ng mga mahaderang katkatera, hindi raw kaya guilty sila na basura nga o di world-class ang kanilang ginagawa o feel nila na sila nga ang totoong pinarurunggitan ng naturang director.?

Leave A Reply

Your email address will not be published.