Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea keber kung di sikat ang dyowa

0 101

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam, maraming rebelasyong pinakawalan si Bea Alonzo kaugnay ng kanyang mga naging relasyon.

Aniya, siya raw iyong tipong may pagpakamartir o tanga pagdating sa pakikipagrelasyon.

Lagi raw niyang inuuna ang kapakanan ng kanyang dyowa kesa kanya.

Sa naranasang heartbreak, na-realize niya na mali raw pala iyon.

Napagtanto raw niya na tama ang payo ng kanyang ina dapat mas mahal siya ng kanyang nobyo na higit pa sa pagmamahal niya.

May mga pagkakataon nga raw na kapag may problema siya sa kanyang bf, sinasarili niya ito at pinagtatakpan ang kanyang boyfriend .Ayaw raw niyang isipin ng iba na masama ang kanyang nobyo.

Napagtanto rin raw niya ang kahalagahan ng pagiging open sa kanyang pamilya dahil sa panahon ng mga pagsubok o personal na krisis, sila pa rin ang lalapitan niya at magiging sandigan ng kanyang lakas.

Pero, ngayon daw, nagbago na ang pananaw niyang iyon.

Ayon kay Bea, tumatak sa kanya ang prangkang payo ng ina na siguruhing mas mahal siya ng kanyang susunod na magiging nobyo.

Gayunpaman, sa pakikipagrelasyon, wala raw namang nagbago dahil ang sinusunod pa rin daw niya ang kanyang nararamdaman.

Kung sino raw ang nagpapatibok ng kanyang puso, doon siya.

Hindi rin daw imporante kung mas sikat, mas mayaman o guwapo ang isang lalake.

Tulad ng kanyang mga naging desisyon sa buhay, ang sinusunod daw niya ay ang ‘gut feel’ pagdating sa pagpili ng nobyo.

Sa rebelasyong ito ni Bea, marami ang nagsabing pasok sa banga ng criteria ni Bea ang rumored boyfriend na si Dominic Roque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.