Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea kinabog si Poe

0 83

Noon pa ay nababalitang lilipat sa rival network ang tinaguriang Primera Aktresa na si Lovi Poe.

Ngayon, muli na namang nabuhay ang nasabing tsika.

Ito ay pagkatapos ng kanyang cryptic post na tila may himutok siya tungkol sa unrequited hard work and love.

Sa kanyang post kamaikailan, may eme pa siyang post gamit ang ilang linya ng kanta ni Adele na Right as Rain.

“Cause when hard work don’t pay off and I’m tired,” caption ng kanyang post.

Dahil sa post na ito, hindi magkamayaw ang mga netizen na mag-opinyon sa kanyang hugot.

Para raw kasing naghihimutok ang aktres dahil nababalewala raw ang self-worth nito tulad ng mga naging hanash noon nina Kim Chiu at Andrea Brillantes.

May mga nang-iintriga namang baka raw may tampo si Lovi sa kanyang home network dahil si Bea Alonzo na ang nabibigyan ng importansya . Ngayon pa lang ay tila kinakabog na siya.

Pagtatanggol naman ng iba, huwag daw maging judgmental dahil baka ang emote raw ng aktres ay may kinalaman sa love life at hindi sa career.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanyang naging post.

“15 years na siya sa GMA. Nag evolve naman siya. Kaso iba ang gustong sugalan ng Kamuning.”

“Too early to burn bridges, better cross first. 😅”

“Baka naman tungkol sa lovelife.”

“A-lister naman sya sa GMA ah. Yun nga lang may dumating na bago. Sayang pwede naman sya makipagsabayan dun ah. Kapag lumipat kaya sya sa Dos eh saan sya lalagay? Sa Ang Probinsyano?”

“Yung nabasa mo na yung caption pero di mo pa rin alam kung tungkol ba to sa work nya o sa lovelife.ang labo naman kasi magparamdam.”

Boy Abunda nakaranas ng diskriminasyon

Ibinahagi ni Boy Abunda ang kanyang mga karanasan bago siya naging isang matagumpay na talk show host. Ito ay sa Sa panayam ni Bianca Gonzales para sa sa episode na Legends Only,

Sa panayam ni Bianca Gonzales sa King of Talk na si Boy Abunda, sa episode na Legends Ib

SM food to go Banner Ad

Aniya, bata pa lang daw siya ay madaldal na siya, ayon sa kanyang nanay.

Mahilig din daw siyang sumali sa declamation at oratorical contests kaya wala siyang stage fright pagdating sa pagharap sa entablado.

May tatlo raw siyang kababata at mahilig daw silang maglaro ng role playing.

Kadalasan daw ay ang natotoka sa kanya ay papel ng isang pari.

During playtime, nagdadamit din daw sila ng sari-sari gamit ang kumot at iba pang tela.

There was a time na na-bully raw siya dahil tinawag daw siya ng kanto boys na ‘bayot.’

Kaya raw naman may isang kalye sa kanyang hometown na iniiwasan niya noong dumaan.

Mabuti na lang daw ay mabilis daw siyang lumakad.

Fast forward, nang nag-aaral daw siya sa Ateneo, nahirapan din siyang mag-blend sa schoolmates niya dahil karamihan sa kanila ay mula sa nakaririwasang pamilya.

Pero,ginamit daw niya ang kanyang abilidad o ‘gift of gab’ para makapag-blend siya sa mga ito.

Ang head honcho raw ng Metropolitan Theater na si Conching Sunico ang nagbigay sa kanya ng first break na maging bahagi ng PR team nito.

Dito raw nahasa na ang kanyang kaalaman pagdating sa teatro and eventually, apart from being a publicist, naging talent manager daw siya ng iba’t-ibang kilalang personalidad sa showbiz and the rest is history.

Tungkol daw naman sa pagiging host, hindi raw niya naisip sa kanyang hinagap na mangyayari ito.

Unang inalok daw siya noon na mag-show kasama si Gretchen Barretto sa GMA-7 ng dating Kapuso executive Bobby Barreiro.

Noong nagbakasyon daw si Gretchen sa show, mas nahasa ang kanyang hosting skills dahil kailangan niyang punan ang trabahong iniwan ng aktres.

Pero, para sa kanya ang pagsasama nila ni Kris sa iba’t-ibang talk show ang masasabi niyang pinakamatagumpay mula Star Talk, The Buzz, Boy and Kris at Aquino and Abunda Tonight.

Hirit pa ni Boy, kung ano raw man siya ngayon ay produkto iyon ng lahat ng kanyang rejections, pains, joys, lessons, failures at successes na pinagdaanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.