Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea kinalmot si Dom

0 103

Naging panauhin ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa kanilang vlog na Figure It Out si Dominic Roque.

Sa kanilang tsikahan, naikuwento ni Dominic ang kanyang ‘struggles’ sa showbiz.

Sa edad na 17 daw ay nagtratrabaho na siya.

Hindi lang daw ang pag-aartista ang naging ‘bread and butter’ niya.

Bukod sa pag-aartista at pagmomodelo, nagbenta rin raw siya ng cakes at pumasok pa sa ibang trabaho.

Masaya raw kasi siya na nakakatulong siya sa kanyang pamilya at napag-aaral ang kanyang mga kapatid.

Ani Dom, hindi raw naman niya pinangarap na maging ‘popular’ na tulad ng ibang artista.

Pero, aminado siyang dumating siya sa puntong nagkaroon siya ng quarterly life crisis kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

Marami raw kasi siyang interes noon pero hindi siya makapagpokus kung saan magco-concentrate.

May pagkakataon nga raw na nag-aral siya ng photography kay Marc Nicdao na nakatulong naman para madagdagan ang kanyang kaalaman.

Sa ngayon, may sarili nang kumpanya si Dom na Black Peak Hypermedia which is into digital marketing and social media management.

Enjoy raw siya sa kanyang trabaho bilang content creator na siyang bumuhay sa kanya at sa kanyang pamilya kahit wala siyang project sa showbiz.

Isa raw sa proyektong pinagkakaabalahan niya ang Laguna de Bay Welfare Awareness.

Gayunpaman, open pa rin daw naman siya sa pag-aartista kung may offers.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang panayam, inilahad din ni Dom kung gaano siya kasaya dahil hindi na siya masasabing ‘pambansang third wheel.’

Aniya, hindi rin daw madali ang pinagdaanan niya pagdating sa lovelife, kaya lang madalas na ang nakakaalam lang nito ay ang kanyang mga kaibigan.

Ang pagsasapubliko raw nila ni Bea ng kanilang relasyon ay isang bagay na hindi nila plinano.

Nakahinga na rin daw sila nang maluwag ni Bea dahil wala na silang dapat pang itago sa kaniang relasyon.

Hinggil naman sa bonding nila ni Bea, hindi raw niya malilimutan ang recent vacation nila sa US na tumagal ng 26 days.

Dahil he’s into car racing and motorbiking, nasubukan na raw niya na iangkas si Bea sa kanyang sasakyan.

Enjoy raw ito sa thrill ride pero kapag daw pinahaharurot na niya ang kanyang motor, nagpa-panic daw ito lalo na kung sumisingit siya sa ibang sasakyan, kaya ang ending ay pulos ‘kalmot’siya sa girlfriend sa kahahawak nito.

31 years old na si Dom at hopefully by age 40 raw ay gusto na niyang makapag-retire para i-devote ang time sa kanyang future family.

Yam ariba sa New York

Bongga naman si Yam Concepcion dahil ariba ang kanyang digital billboard sa Times Square sa New York.

Join na rin siya sa growing number of Pinoy celebrities like KathNiel, Julie Anne San Jose, James Reid, Nadine Lustre at Heart Evangelista na featured ang fez sa billboards sa nasabing lungsod sa Estados Unidos.

Endorser kasi ng isang brand ng bag ang Init sa Magdamag actress kasama ang American actor na si Sergio Delavicci.

Speaking of Manhattan, enjoy daw siya sa honeymoon nila ng hubby na si Miguel CuUnjieng kahit nasa sa loob ng apartment lang daw sila ng mister.

After her teleserye, magpapahinga raw muna siya at magpapaka-wifey kay Miguel.

For the meantime, gusto raw muna niyang magpokus sa paggawa ng vlog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.