Abante Tonite Interactive

Bea kinarir ang pagiging scriptwriter

441

Nainggit kay Bela?

Sumalang na sa screenwriting workshop ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo under multi-awarded screenwriter at Plaridel awardee Ricky Lee.

Iniintriga tuloy kung nainggit ba ito kay Bela Padilla at gusto itong gayahin?

Siya ay miyembro ng Batch 22 na kinabibilangan ng mga direktor na sina Nestor Abrogena, Ara Chawdhury, Prime Cruz, Sheron Dauyoc, Siege Ledesma, Bradley Liew, Nick Olanka, Fifth Solomon at Jay Altarejos.

Kasama rin sa batch ang mga artistang sina Vaness del Moral, Mikoy Morales, Candy Pangilinan.

Maging ang indie producer na si Bianca Balbuena at talent manager na si Noel Ferrer ay kasama rin sa naturang batch.

Ang iba pang workshoppers ng Batch 22 ay sina Shaira Advincula, Ryllah Berico, Jai Shane Cañete, Tey Clamor, Nikki del Carmen, Jordan Dela Cruz, Jimmy Flores, Mike Mendoza, Monch Novales, Micheline Rama, Nikolas Red, Albert Bon Reyes, Pamela Reyes, Onay Sales, Daniel Saniana, Leah Jose Sebastian at Chiara Zambrano. (Archie Liao)