Bea ‘kinatay’ sa photo ng pamilya Roque

NI: ARCHIE LIAO
Umani ang samu’t-saring reaksyon ang photo na ipinost ni Anthony Roque, tatay ng aktor na si Dominic Roque sa kanyang Instagram account.
Binati kasi niya ang kanyang esposa na si Lena sa kanyang kaarawan.
Napansin naman ng isang netizen na na-crop umano sa naturang family photo si Bea Alonzo.
@jadedelacruzalcu, “My isa,babae hindi. Nkuha ng camera cno kaya yum”

Sagot ni @sweet19_nickzai, “ crop si @beaalonzo.”
Hirit pa niya: Hi@beaalonzo, kahit crop ka, we know ikaw iyan…ika nga Titalena ‘daughter-in-law.’
May mga nagkomentong baka raw hindi boto ang pamilya Roque ang aktres kaya cropped ito sa photo.
May mga nag-react namang isinisikreto nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon dahil takot ma-bash ang aktor.
Hindi pa rin daw panahong lumantad ang dalawa dahil may pelikula pang gagawin si Bea with John Lloyd Cruz.
Hirit naman ng ilan, baka hindi pa raw ready ang aktres na isapubliko ang kanyang bagong relasyon dahil sa careeer.