Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bea kinilig sa tula ni Mavy kay Kyline

0 179

NI: Vinia Vivar

Kilig na kilig si Bea Alonzo sa rebelasyon ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa first vlog collaboration nila for her YouTube channel.

Sa nasabing vlog ay naglaro sila ng board game na Jenga habang sumasagot sa mga tanong.

Dito ay naikuwento ni Mavy na gumawa siya ng isang tula para kay Kyline. Pinalagyan din niya ng tono sa kaibigang si Zack Tabudlo.

“I was in my feelings so super sentimental ako so I was typing this long poem from 5:35 to 6:00 AM, right when I hit 6:00 AM I thought of making it into a song so I contacted a friend of mine Zack Tabudlo. I said, ‘There’s a song I want your voice in it.’ So we created the beat, then I sent it to my special someone,” pagbabahagi ni Mavy.

Tanong ni Bea, “Are you going to reveal that anytime soon? Are you going to share that with the public or sa inyo lang ‘yan?”

Sey ni Kyline, “Na-IG [Instagram] story ko na siya actually.”

Sabi namn ni Bea na tila kinikilig, “that’s so sweet!”

Bukod sa paggawa ng tula kay Kyline, sinabi rin ng young actress na madalas din siyang regaluhan ni Mavy kapag siya ay nakakaramdam ng stress.

“Nagpadala siya ng isang malaking bouquet of flowers sa bahay na parang pagkagising ko sabi ko ‘Anong meron?’ tapos sabi niya, ‘I know kasi na that you’re getting stress ganyan’,” kuwento ni Kyline.

Leave A Reply

Your email address will not be published.